ABRIL 18, 2025
UNITED STATES
Isang binahang kalye sa Pharr, Texas, U.S.A.
Matinding Pagbaha Dala ng Malalakas na Buhos ng Ulan sa Timog ng Texas, U.S.A.
Mula Marso 27 hanggang Abril 1, 2025, binaha ang mga bahagi ng Rio Grande Valley sa timog ng Texas, U.S.A. dahil sa pagbagyo. Ang tubig-ulan na bumuhos sa ilang lugar ay may taas na mga 53 sentimetro. Katumbas ito ng anim-na-buwang ulan sa rehiyong iyon. Libo-libong bahay at lugar ng negosyo ang naapektuhan. Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, nawalan din ng kuryente, nakansela ang mga klase, at maraming pananim ang nasira. Mabilis na tumaas ang tubig, kaya daan-daang tao ang iniligtas at libo-libo ang inilikas. Di-kukulangin sa apat na katao ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay o nasaktan
54 na mamamahayag ang lumikas
2 bahay ang nawasak
44 na bahay ang nasira nang husto
87 bahay ang bahagyang nasira
Walang Kingdom Hall na nawasak o nasira
Relief Work
Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong
Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work
Sa malungkot na panahong ito, alam nating si Jehova ay patuloy na magiging isang “ligtas na kanlungan” sa lahat ng kapatid nating naapektuhan ng pagbaha.—Awit 9:9.

