Mga Awit 9:1-20
Sa direktor; sa Mut-laben.* Awit ni David.
א [Alep]
9 Pupurihin kita, O Jehova, nang buong puso ko;Sasabihin ko ang tungkol sa lahat ng iyong kamangha-manghang gawa.+
2 Magagalak ako at magsasaya dahil sa iyo;Aawit ako ng papuri* sa pangalan mo, O Kataas-taasan.+
ב [Bet]
3 Kapag umurong ang mga kaaway ko,+Madadapa sila at mawawala sa harap mo.
4 Dahil ipinagtanggol mo ako at binigyan ng katarungan;Nakaupo ka sa iyong trono at humahatol nang matuwid.+
ג [Gimel]
5 Sinaway mo ang mga bansa+ at pinuksa ang masasama;Binura mo ang pangalan nila magpakailanman.
6 Ang kaaway ay lubusan nang nalipol;Binunot mo ang mga lunsod nila,At hindi na sila maaalaala pa.+
ה [He]
7 Pero si Jehova ay mananatili sa trono niya magpakailanman;+Itinatag niya nang matibay ang trono niya para sa katarungan.+
8 Hahatulan niya ang mundo* ayon sa katuwiran;+Maglalapat siya ng matuwid na hatol sa mga bansa.+
ו [Waw]
9 Si Jehova ay magiging ligtas na kanlungan* para sa mga inaapi,+Isang ligtas na kanlungan sa panahon ng pagdurusa.+
10 Ang mga nakaaalam sa pangalan mo ay magtitiwala sa iyo;+Hindi mo kailanman iiwan ang mga humahanap sa iyo, O Jehova.+
ז [Zayin]
11 Umawit kayo ng papuri kay Jehova, na naninirahan sa Sion;Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya.+
12 Dahil naaalaala niya sila at ipaghihiganti niya ang dugo nila;+Hindi niya kalilimutan ang daing ng mga nagdurusa.+
ח [Het]
13 Maawa ka sa akin, O Jehova; tingnan mo ang kalupitan ng mga napopoot sa akin,Ikaw na nag-aahon sa akin mula sa mga pinto ng kamatayan,+
14 Para maihayag ko sa pintuang-daan ng anak na babae ng Sion+ ang kapuri-puri mong mga gawa,At para magsaya ako dahil sa pagliligtas mo.+
ט [Tet]
15 Nahulog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila;Nahuli ang sarili nilang paa sa bitag* na iniumang nila.+
16 Si Jehova ay nakikilala sa hatol na inilalapat niya.+
Ang masama ay nabibitag sa gawa ng sarili niyang mga kamay.+
Higayon.* (Selah)
י [Yod]
17 Ang masasama ay uurong papunta sa Libingan,*Ang lahat ng bansang lumilimot sa Diyos.
18 Pero ang mga dukha ay hindi tuluyang malilimutan;+At hindi maglalaho ang pag-asa ng maaamo.+
כ [Kap]
19 Kumilos ka, O Jehova! Huwag mo nawang hayaang magtagumpay ang hamak na tao laban sa iyo.
Mahatulan nawa ang mga bansa sa harap mo.+
20 Sindakin mo sila, O Jehova,+Ipaalám mo sa mga bansa na sila ay mga tao lang. (Selah)
Talababa
^ O “Aawit ako at tutugtog para.”
^ O “mabungang lupain.”
^ O “magiging mataas at ligtas na lugar.”
^ Lit., “lambat.”

