Tagalog
Nagsimula ang Sangay sa Rwanda na Magsalin sa Rwandan Sign Language
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702019104/univ/art/702019104_univ_sqr_xl.jpg

Mga tagapagsalin sa Rwandan Sign Language na nagrerekord ng video sa opisina nila.

ENERO 10, 2019
RWANDA

Nagsimula ang Sangay sa Rwanda na Magsalin sa Rwandan Sign Language

Nagsimula ang Sangay sa Rwanda na Magsalin sa Rwandan Sign Language

Sa pagtatapos ng Setyembre 2018, sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang isa pang mahalagang paraan para higit na maipangaral ang mensahe ng Bibliya sa mga teritoryong sakop ng sangay nila: ang pagsasalin sa Rwandan Sign Language (RWS). Makikinabang dito ang mga 113 kapatid na bingi sa Rwanda at matutulungan nito ang mga kapatid sa pangangaral sa mahigit 30,000 bingi at mahina ang pandinig.

Naisalin na ng RWS translation team ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, ang maikling video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?, at ang karamihan sa mga tract na nasa Toolbox sa Pagtuturo. Ang mga publikasyong ito ay magiging available na sa opisyal na website natin sa susunod na mga linggo.

Ang RWS translation team ay nagtatrabaho sa isang pasilidad na mga limang-minutong lakad lang mula sa tanggapang pansangay ng Rwanda sa Kigali. Ang team ay binubuo ng dalawang brother, na ang isa ay bingi, at ng dalawang sister. Bawat miyembro ng translation team ay mahusay sa sign language at nakatapos ng apat-na-linggong pagsasanay sa pagsasalin.

Opisina para sa pagsasalin sa Rwandan Sign Language, na malapit sa tanggapang pansangay ng Rwanda.

Ipinaliwanag ni Rwakibibi Jean Pierre, isang RWS translator, kung bakit ibang-iba ang pagsasalin sa sign language: “Sinasabi ng mga bingi ang mga ideya nila gamit ang mga kamay at ekspresyon ng mukha, kaya nagsasalin ang mga translator ng sign-language mula sa nakasulat na mga salita tungo sa video gamit ang teknik na tinatawag na idea mapping. Gamit ang isang whiteboard, idinodrowing namin ang nasa English text para may susundan kami sa pag-i-interpret sa sign language. Para matiyak na malinaw at tumpak ang nagawa naming salin, pinapanood ito ng isang panel ng mga Saksing deaf at nagbibigay sila ng mga mungkahi.”

Si Mr. Augustin Munyangeyo, board chairman ng Rwanda National Union of the Deaf.

Si Mr. Augustin Munyangeyo, board chairman ng Rwanda National Union of the Deaf, isang organisasyon sa bansa na nagtataguyod ng karapatan ng mga bingi, ay nagkomento tungkol sa pagsisikap ng mga Saksi sa pagsasalin sa RWS: “Taos-puso naming pinasasalamatan ang mga Saksi ni Jehova sa pagtuturo nila tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng Bibliya at ng mga video sa Rwandan Sign Language.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay nagsasalin sa mahigit 90 sign language sa buong mundo, at gumawa sila ng libreng app, ang JW Library Sign Language®, na makakatulong para makakuha ang mga tao ng publikasyong salig sa Bibliya sa mahigit 90 sign language. Nakakatulong ang mga publikasyong ito sa sign language para makapangaral ang mga kapatid natin sa buong mundo “sa bawat bansa at tribo at wika at bayan.”—Apocalipsis 14:6.