JW LIBRARY SIGN LANGUAGE

Paglipat ng mga Playlist Papuntang JW Library

Paglipat ng mga Playlist Papuntang JW Library

Available na sa JW Library ang mga sign language publication. Para mailipat ang mga playlist, gumawa ng backup sa JW Library Sign Language at i-restore ito sa JW Library. Pansinin na hindi ida-download ng JW Library ang mga publikasyon sa playlist. Kailangan ulit na i-download ang mga ito.

Gumawa at Mag-restore ng Backup

Kapag ni-restore ang backup mula sa JW Library Sign Language papuntang JW Library, makukuha mo ulit ang mga playlist mo. Hindi mabubura ang data mo sa JW Library, gaya ng mga note at highlight.

  1. Sa Home page ng JW Library Sign Language, pindutin ang Settings

  2. Pindutin ang Create Backup at i-save o i-share ang backup file

  3. Buksan ang JW Library

  4. Magpunta sa Personal Study page

  5. Pindutin ang Backup and Restore

  6. Piliin ang Restore Backup at hanapin ang backup file na ginawa mo

  7. Pindutin ang Import

NOTE: Kung paulit-ulit kang nag-restore, darami ang kopya ng playlist mo.