Mga Awit 21:1-13

Sa direktor. Awit ni David. 21  O Jehova, nagsasaya ang hari dahil sa iyong lakas;+Lubos siyang nagsasaya dahil sa iyong pagliligtas!+  2  Ibinigay mo sa kaniya ang gusto ng puso niya,+At hindi mo ipinagkait ang kahilingan ng mga labi niya. (Selah)  3  Dahil sagana mo siyang pinagpala;Nilagyan mo ang ulo niya ng koronang yari sa purong* ginto.+  4  Humingi siya sa iyo ng buhay, at ibinigay mo iyon sa kaniya,+Isang mahabang buhay, walang-hanggang buhay.  5  Ang pagliligtas mo ay nagbigay sa kaniya ng dakilang kaluwalhatian.+ Binigyan mo siya ng karangalan at karilagan.  6  Pagpapalain mo siya magpakailanman;+Pinasasaya mo siya dahil sa iyong presensiya.*+  7  Ang hari ay nagtitiwala kay Jehova;+Dahil sa tapat na pag-ibig ng Kataas-taasan, hindi siya matitinag.*+  8  Mahuhuli ng kamay mo ang lahat ng kaaway mo;Mahuhuli ng kanang kamay mo ang mga napopoot sa iyo.  9  Gagawin mo silang gaya ng nagniningas na hurno sa takdang panahon ng pagdating mo. Dahil sa galit ay lalamunin sila ni Jehova, at tutupukin sila ng apoy.+ 10  Pupuksain mo ang mga inapo* nila sa lupa,At ang mga supling nila mula sa mga anak ng tao. 11  Dahil gusto ka nilang gawan ng masama;+Gumawa sila ng mga pakanang hindi magtatagumpay.+ 12  Dahil mapauurong mo sila+Kapag itinutok mo sa kanila* ang iyong pana.* 13  O Jehova, ipakita mo ang iyong lakas. Aawit kami ng mga papuri* sa iyong kalakasan.

Talababa

O “dinalisay na.”
Lit., “mukha.”
O “susuray.”
Lit., “ang bunga.”
Lit., “mukha nila.”
Lit., “bagting ng pana.”
Lit., “Aawit kami at tutugtog para.”

Study Notes

Media