Mga Bibliya
Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay isang salin ng Bibliya na tumpak at madaling basahin. Inilathala ang kabuoan o bahagi nito sa 307 na wika. Ayon sa pinakahuling opisyal na pagbilang, 253,794,253 na kopya na nito ang nailathala. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa saling ito, tingnan ang mga artikulong “May Sarili Bang Bibliya ang mga Saksi ni Jehova?” at “Tumpak ba ang Salin ng New World Translation?”
Sa ilang wika, nakakuha kami ng pahintulot para mailathala ang ilang salin ng Bibliya na karaniwang ginagamit ng mga tao.