Kaunawaan sa Kasulatan

Selemias

Tagalog
Selemias
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Selemias

Selemias

 [Si Jehova ay Kagantihan; o, Haing Pansalu-salo ni Jehova].

  1. Isang Levitikong bantay ng pintuang-daan na inatasan sa pamamagitan ng palabunutan sa dakong S ng santuwaryo noong panahon ng paghahari ni David.​—1Cr 26:14; tingnan ang MESELEMIAS.

  2. Lolo ng opisyal ni Jehoiakim na si Jehudi; anak ni Cusi.​—Jer 36:14.

  3. Ama ng mensahero ni Zedekias na si Jehucal (Jucal).​—Jer 37:3; 38:1.

  4. Ama ni Irias, ang opisyal na nangangasiwa sa Pintuang-daan ng Benjamin sa Jerusalem; anak ni Hananias.​—Jer 37:13.

  5. Isa sa mga mensahero ni Haring Jehoiakim na isinugo upang dalhin si Jeremias at si Baruc sa harap nito; anak ni Abdeel.​—Jer 36:26.

  6,   7. Dalawang lalaking nakatalang kabilang sa mga anak o mga inapo ni Binui na, sa pagbabalik ni Ezra sa Jerusalem noong 468 B.C.E., nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.​—Ezr 10:38, 39, 41, 44.

  8. Ama ng Hananias na tumulong na magkumpuni ng pader ng Jerusalem.​—Ne 3:30.

  9. Isang saserdote, at isa sa mga pinagkatiwalaan ni Nehemias, noong ikalawang pagdalaw niya sa Jerusalem, ng mga imbakan at ng pamamahagi ng mga ikapu sa mga nararapat tumanggap nito.​—Ne 13:6, 7, 12, 13.