Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Paano Kung Pine-pressure Akong Makipag-sex?

“Kung pumayag na kaya ako?” baka sabihin mo. “Tutal, lahat naman, nakikipag-sex, ’di ba?”

Mag-isip muna!

Ang totoo: Hindi lahat ay nakikipag-sex.

Sinasabi ng statistics na marami nga ang nakikipag-sex. Halimbawa, ayon sa isang pag-aaral, 2 sa bawat 3 kabataan sa Estados Unidos ang nakaranas nang makipag-sex habang nasa haiskul. Pero ibig sabihin din, 1 sa bawat 3 ang hindi. Malaki-laki rin ang bilang na ito!

Ano naman ang nangyari sa mga nakipag-sex? Natuklasan ng mga mananaliksik na marami sa kanila ang nakaranas ng isa o higit pa sa mga sumusunod:

Pagkakonsiyensiya. Karamihan sa mga kabataang nakipag-sex nang di-kasal ay nagsasabing pinagsisihan nila ito.

Kapag nakipag-sex ka nang di-kasal, parang ginawa mong basahan ang isang obra maestra

Kawalan ng tiwala. Pagkatapos mag-sex, pagdududahan nila ang isa’t isa, ‘Sino pa kaya ang naka-sex niya?’

Pagkadismaya. Sa loob-loob ng babae, sana’y pumili siya ng isa na magtatanggol sa kaniya, hindi ng isa na gagamit sa kaniya. At marami ring lalaki ang nawawalan ng interes sa babae na madaling bumigay.

Tandaan: Ang katawan mo ay napakahalaga, kaya hindi mo ito dapat basta-basta ibigay sa iba. Maging determinadong sundin ang utos ng Diyos na umiwas sa pakikipag-sex nang di-kasal. Kapag kasal ka na, puwede mo nang maranasan ang sex. At masisiyahan kang gawin ito nang walang halong pangamba, pagsisisi, at takot, na karaniwang resulta ng pakikipag-sex nang di-kasal.—Kawikaan 7:22, 23; 1 Corinto 7:3.