Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Paano Kung Nahihirapan Akong Makibagay?

Ang puwede mong gawin

Una, alamin kung aling grupo ang nahihirapan kang pakibagayan.

Edad:

Nahihirapan akong makibagay sa . . .

  • mga kaedad
  • nakababata
  • nakatatanda

Abilidad:

Nahihirapan akong makibagay sa . . .

  • mahilig sa isports
  • may talento
  • matalino

Personalidad:

Nahihirapan akong makibagay sa . . .

  • may kumpiyansa sa sarili
  • popular
  • may sariling grupo

Ikalawa, piliin kung ano ang karaniwang reaksiyon mo kapag kasama ang mga taong napili mo sa itaas.

  • Nagkukunwari akong pareho kami ng hilig o abilidad.
  • Binabale-wala ko ang interes nila at ikinukuwento ko ang gusto ko.
  • Hindi ako kumikibo at naghihintay ng pagkakataong makaalis.

Ikatlo, magkusa! Hindi mo laging maaasahan na ikaw ang lalapitan ng iba; kung minsan, ikaw ang kailangang lumapit sa kanila. (Filipos 2:4) Paano?

Kaibiganin ang mga hindi mo kaedad. Bakit ka maghahanap ng kaibigan sa mga kaedad mo lang at pagkatapos ay magrereklamo na wala kang puwedeng kaibiganin? Kung ganito ka, para kang isang taong nasa isla at gutom na gutom samantalang marami ka namang mahuhuling isda sa paligid!

Sinasabihan ako ni Nanay na kausapin ang mga nakatatanda sa akin. Sabi niya magugulat ako sa dami ng pagkakatulad ko sa kanila. Tama siya, at marami na akong kaibigan ngayon!”—Helena, 20.

Pasulungin ang iyong kakayahang makipag-usap. Kailangan mong (1) makinig, (2) magtanong, at (3) magpakita ng interes.—Santiago 1:19.

Sinisikap kong makinig sa halip na magsalita nang magsalita. At kapag nagkukuwento ’ko, iniiwasan kong ibida ang sarili ko o magsalita ng masama tungkol sa iba.”—Serena, 18.

Kapag hindi ako pamilyar sa gustong ipakipag-usap ng isang tao, nagtatanong ako sa kaniya para magpaliwanag pa siya.”—Jared, 21.

Mahiyain ako kaya mahirap sa ’kin na makipag-usap sa iba. Pero kung gusto mong magkaroon ng mga kaibigan, kailangan kang maging palakaibigan. Kaya nagkukusa na ’kong makipag-usap.”—Leah, 16.