Pumunta sa nilalaman

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Makakatulong sa Akin ang Bibliya?—Bahagi 1: Basahin ang Iyong Bibliya

Paano Makakatulong sa Akin ang Bibliya?—Bahagi 1: Basahin ang Iyong Bibliya

“Sinubukan kong magbasa ng Bibliya, pero nalulula ako sa kapal nito!”—Briana, 15.

Ganiyan din ba ang pakiramdam mo? Makakatulong sa iyo ang artikulong ito!

 Bakit mahalagang magbasa ng Bibliya?

Para bang boring magbasa ng Bibliya? Kung oo ang sagot mo, ganiyan din ang iniisip ng iba. Baka iniisip mo na ang Bibliya ay isang librong napakakapal, maliliit ang letra, at walang larawan, kaya mas masayang manood ng TV at video.

Pero pag-isipan ito: Kung may makita kang isang napakalaking baul ng kayamanan, hindi ba gusto mong malaman kung ano ang nasa loob nito?

Ang Bibliya ay kagaya ng baul na iyon ng kayamanan. Naglalaman ito ng maraming mahahalagang karunungan na makakatulong sa iyo na

  • Gumawa ng tamang desisyon

  • Makasundo ang mga magulang mo

  • Makahanap ng pinakamabuting mga kaibigan

  • Makayanan ang stress

Bakit napakapraktikal pa rin sa ngayon ng ganoon kalumang aklat? Dahil “ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Ibig sabihin, ang payo ng Bibliya ay galing sa pinakamahusay na Tagapayo.

Ang Bibliya ay isang baul ng kayamanan na naglalaman ng walang-kapantay na karunungan

 Paano ko babasahin ang Bibliya?

Ang isang paraan ay basahin ito mula umpisa hanggang katapusan. Sa gayon, magkakaroon ka ng ideya kung ano ang mensahe ng Bibliya. Maraming paraan ng pagbabasa ng Bibliya. Ito ang dalawang halimbawa:

  •   Puwede mong basahin ang 66 na aklat ng Bibliya ayon sa pagkakasunod-sunod nito, mula Genesis hanggang Apocalipsis.

  •   Puwede mong basahin ang Bibliya ayon sa kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Tip: Makikita sa Seksiyon 4 ng buklet na Tulong sa Pag-aaral ng Salita ng Diyos ang sumaryo ng mahahalagang pangyayari sa buhay ni Jesus sa lupa ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Ang ikalawang paraan ay pumili ng isang ulat na may kaugnayan sa problemang hinaharap mo ngayon. Halimbawa:

Tip: Kapag nagbabasa ka ng Bibliya, siguraduhin mong tahimik ang paligid para makapagpokus ka.

Ang ikatlong paraan ay pumili ng isang ulat o isang awit, basahin ito, at pagkatapos ay pag-isipan kung paano mo ito magagamit sa buhay mo. Pagkatapos magbasa, tanungin ang sarili:

  •   Bakit isinama ni Jehova ang ulat na ito sa Bibliya?

  •   Ano ang ipinapakita nito tungkol sa katangian ni Jehova o sa paggawa niya ng mga bagay-bagay?

  •   Paano ko magagamit sa buhay ko ang impormasyong ito?

Tip: Gamitin ang study edition ng New World Translation para ma-access ang mga video, mapa, at iba pang feature nito na makakatulong sa iyo para makinabang nang husto sa pagbabasa ng Bibliya.