Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Trinidad ba ang Diyos?

Ang sagot ng Bibliya

Maraming relihiyong Kristiyano ang nagtuturo na ang Diyos ay Trinidad. Pero pansinin kung ano ang sinasabi ng Encyclopædia Britannica: Hindi lumilitaw ang salitang Trinidad, ni ang doktrinang ito sa Bagong Tipan . . . Ang doktrina ay unti-unting nabuo sa loob ng daan-daang taon at sa kabila ng maraming kontrobersiya.

Sa katunayan, hindi kailanman inilarawan sa Bibliya ang Diyos bilang bahagi ng isang Trinidad. Pansinin ang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:

Si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova.”—Deuteronomio 6:4.

Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—Awit 83:18.

Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”—Juan 17:3.

Ang Diyos ay iisa lamang.”—Galacia 3:20.

Bakit kaya sinasabi ng maraming relihiyong Kristiyano na ang Diyos ay Trinidad?

Higit Pang Impormasyon

Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?

Nagmamalasakit kaya sa iyo ang Diyos? Alamin ang mga katangian niya at kung paano ka mapapalapít sa kaniya.

ANG BANTAYAN

Saan Nagmula ang Doktrina ng Trinidad?

Ang pananalitang tatlong persona sa iisang pagka-Diyos ay wala sa Bibliya. Bakit?