Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aasawa ng Magkasekso?

Ang sagot ng Bibliya

Nagtatag ang ating Maylalang ng mga tuntunin hinggil sa pag-aasawa matagal na bago pa man pangasiwaan ng mga pamahalaan ang institusyong ito. Ang unang aklat ng Bibliya ay nagsasabi sa atin: “Iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Sa tekstong ito, ang salitang Hebreo para sa “asawa,” ayon sa Vine’s Expository Dictionary of Biblical Words, ay “tumutukoy sa isang babae.” Pinagtibay ni Jesus na ang pinagtuwang sa pag-aasawa ay dapat na “lalaki at babae.”—Mateo 19:4.

Samakatuwid, nilayon ng Diyos na ang pag-aasawa ay maging isang permanente at matalik na buklod sa pagitan ng lalaki at babae. Ang mga lalaki at babae ay dinisenyong maging kapupunan ng isa’t isa upang matugunan nila ang emosyonal at seksuwal na pangangailangan ng bawat isa at upang magkaroon ng anak.

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad?

Ano ang pangmalas ng Diyos sa homoseksuwal na mga gawain? Puwede bang mapalugdan ng isang tao ang Diyos kahit na may pinaglalabanan siyang homoseksuwal na pagnanasa?

Nagkakagusto Ka ba sa Kasekso Mo? Ibig Bang Sabihin, Homoseksuwal Ka Na?

Mali bang magkagusto sa kasekso? Ano ang dapat mong gawin?