Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mali Bang Magpa-abort Ayon sa Bibliya?

Mali Bang Magpa-abort Ayon sa Bibliya?

Ang sagot ng Bibliya

Ang buhay ay sagrado sa Diyos, at maging ang embryo ay itinuturing niyang isang buháy na nilalang. Sinabi ni Haring David tungkol sa Diyos: “Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi.” (Awit 139:16) Sinabi ng Diyos na mananagot ang sinumang pipinsala sa di-pa-naisisilang na sanggol. Kaya sa mata ng Diyos, ang pagpatay sa di-pa-naisisilang na sanggol ay isang kasalanan.—Exodo 20:13; 21:22, 23.

Kumusta naman kung magkaroon ng emergency sa panahon ng panganganak, at kailangang pumili kung ang ina o ang sanggol ang ililigtas? Sa ganitong kaso, ang mag-asawa ang dapat magpasiya.