Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Parusa ba Mula sa Diyos ang Likas na mga Sakuna?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ang may kagagawan ng likas na mga sakunang nasasaksihan natin sa ngayon. Ang mga paghatol ng Diyos gaya ng binabanggit sa Bibliya ay ibang-iba kaysa sa likas na mga sakuna.

  1. Ang Diyos ay pumipili. Sinasabi ng Bibliya: “Ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata; ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.”—1 Samuel 16:7.

  2. Binabasa ni Jehova ang puso ng mga indibiduwal at pinupuksa niya tangi lang ang mga itinuturing niyang napakasama.—Genesis 18:23-32.

  3. Nagbibigay muna ng babala ang Diyos upang mabigyan ng pagkakataong makatakas ang mga nagbibigay-pansin.

Sa kabaligtaran naman, ang likas na mga sakuna ay dumarating nang walang babala o kung mayroon man ay pahiwatig lang. Hindi rin nito pinipili kung sino ang papatayin at pipinsalain. Sa isang antas, lalo pang pinalubha ng mga tao ang gayong mga sakuna sa pamamagitan ng pagsira sa likas na kapaligiran at pagtatayo ng mga gusali sa mga lugar na madalas ang lindol, baha, at masasamang lagay ng panahon.

Higit Pang Impormasyon

Likas na mga Sakuna—Katibayan ba na Malupit ang Diyos?

Kung nasusuklam ang Diyos sa kalupitan, bakit niya hinahayaang mamatay sa likas na mga sakuna ang mga tao?

Likas na mga Sakuna—Bakit Napakarami?

Inihula ni Jesus na darami ang sakuna. Ano ang ibig sabihin nito para sa atin?