Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Kung Nagmamahalan Naman ang Magkasintahan, Ayos Lang Bang Mag-live In na Lang Sila?

Ang sagot ng Bibliya

Maliwanag ang sabi ng Bibliya: “Hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid.” (Hebreo 13:4) Kasama sa por·nei′a, ang salitang Griego para sa “pakikiapid,” ang pagse-sex nang di-kasal. Kaya mali sa mata ng Diyos na magsama ang dalawa nang hindi kasal—kahit pa may plano silang magpakasal sa hinaharap.

Paano kung mahal na mahal naman nila ang isa’t isa? Iniuutos pa rin ng Diyos na magpakasal sila bago mag-sex. Ang Diyos ang gumawa sa atin at nagbigay ng kakayahang umibig. Pag-ibig ang pangunahing katangian ng Diyos. (1 Juan 4:8) Kaya may mabuting dahilan siya para ipag-utos na ang pagse-sex ay dapat lang gawin ng mag-asawa.

Higit Pang Impormasyon

Umasa sa Diyos Para sa Masayang Pag-aasawa

May dalawang tanong na tutulong sa inyong mag-asawa na maging masaya.