Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Diyos ba ang Dapat Sisihin sa Ating Pagdurusa?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi. Malinaw na ipinakikita ng Bibliya na hindi layunin ng Diyos na Jehova na magdusa ang tao. Gayunman, nagrebelde ang unang mag-asawa laban sa pamamahala ng Diyos. Pinili nilang gumawa ng sariling pamantayan ng mabuti at masama. Sinuway nila ang Diyos kaya inani nila ang masasamang resulta nito.

Nagdurusa rin tayo ngayon dahil sa kanilang ginawa. Pero hindi ang Diyos ang sanhi ng pagdurusa ng tao.

Sinasabi ng Bibliya: “Kapag nasa ilalim ng pagsubok, huwag sabihin ng sinuman: ‘Ako ay sinusubok ng Diyos.’ Sapagkat sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok man niya ang sinuman.” (Santiago 1:13) Kahit sino ay puwedeng magdusa—maging ang mga may pagsang-ayon ng Diyos.

Higit Pang Impormasyon

Bakit Hinahayaan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?

Paano nagsimula ang kasamaan at bakit pinahihintulutan ng Diyos na magpatuloy ito? Mawawala pa ba ang pagdurusa?

Ang Ginawa ng Diyos Para sa Iyo

Ipinaliliwanag ng simulain ng Diyos na “buhay para sa buhay” kung bakit “ibinigay [ng Diyos] ang kaniyang bugtong na Anak.”