Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Makakatulong ba ang Bibliya Para Maging Maligaya ang Aking Pamilya?

Ang sagot ng Bibliya

Oo. Narito ang ilang matalinong payo mula sa Bibliya na nakatulong sa milyun-milyong babae at lalaki para maging maligaya ang pamilya nila.

  1. Gawing legal ang inyong pag-aasawa. Ang pagpapakasal at pangakong magsasama kayo habambuhay ang pundasyon ng maligayang pamilya.—Mateo 19:4-6.

  2. Magpakita ng pag-ibig at paggalang. Kasali rito ang pakikitungo sa iyong asawa sa paraan na gusto mong pakitunguhan ka.—Mateo 7:12; Efeso 5:25, 33.

  3. Iwasang magsalita nang nakasasakit. Magsalita nang may kabaitan kahit nasasaktan ka sa sinasabi o ginagawa ng asawa mo. (Efeso 4:31, 32) Ganito ang sabi ng Bibliya sa Kawikaan 15:1: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.”

  4. Maging tapat sa isa’t isa. Huwag magkaroon ng romantiko o seksuwal na kaugnayan sa hindi mo asawa. (Mateo 5:28) Ang sabi ng Bibliya: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa.”—Hebreo 13:4.

  5. Sanayin sa maibiging paraan ang inyong mga anak. Huwag maging kunsintidor pero huwag ding maging mabagsik.—Kawikaan 29:15; Colosas 3:21.

 

Higit Pang Impormasyon

PUWEDENG MAGING MASAYA ANG IYONG PAMILYA

Umasa sa Diyos Para sa Masayang Pag-aasawa

May dalawang tanong na tutulong sa inyong mag-asawa na maging masaya.

ANG BANTAYAN

Lutasin ang Di-pagkakaunawaan sa Pag-aasawa

Bakit nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan, at ano ang gagawin mo para hindi nito masira ang inyong pagsasama?