Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Jesus ba ang Pangalan ng Diyos?

Ang sagot ng Bibliya

Tinawag ni Jesus ang kaniyang sarili na “Anak ng Diyos.” (Juan 10:36; 11:4) Hindi kailanman ipinakilala ni Jesus ang sarili niya bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.

Bukod diyan, nanalangin si Jesus sa Diyos. (Mateo 26:39) At habang tinuturuan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod kung paano manalangin, sinabi niya: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.”—Mateo 6:9.

Ipinakilala ni Jesus ang pangalan ng Diyos nang sipiin niya ang isang bahagi ng Kasulatan: “Dinggin mo, O Israel, si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova.”—Marcos 12:29; Deuteronomio 6:4.

 

Higit Pang Impormasyon

May Pangalan Ba ang Diyos?

Maraming titulo ang Diyos, gaya ng Makapangyarihan-sa-lahat, Maylalang, at Panginoon. Pero ang personal na pangalan ng Diyos ay lumitaw nang mga 7,000 ulit sa Bibliya.

Si Jesus ba ay Diyos?

Para sa marami, ang Trinidad ‘ang pangunahing doktrina ng Kristiyanismo.’ Alamin ang sinasabi ng Bibliya.