Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bakit Tinatawag si Jesus na Anak ng Diyos?

Ang sagot ng Bibliya

Walang asawa ang Diyos. Pero siya ang Maylalang ng lahat ng bagay na may buhay. (Apocalipsis 4:11) Kaya ang unang taong ginawa ng Diyos, si Adan, ay tinatawag na “anak ng Diyos.” (Lucas 3:38) Itinuturo din ng Bibliya na si Jesus ay nilalang ng Diyos. Kaya si Jesus ay tinatawag din na “Anak ng Diyos.”—Juan 1:49.

Nilalang ng Diyos si Jesus bago pa niya lalangin si Adan. Isinulat ni apostol Pablo tungkol kay Jesus: “Siya ang larawan ng di-nakikitang Diyos, ang panganay sa lahat ng nilalang.” (Colosas 1:15) Nagsimula ang buhay ni Jesus bago pa siya ipanganak sa isang sabsaban sa Betlehem. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na ang kaniyang “pinanggalingan ay mula noong unang mga panahon, mula nang mga araw ng panahong walang takda.” (Mikas 5:2) Bilang ang panganay na Anak ng Diyos, si Jesus ay espiritung nilalang sa langit bago siya ipanganak dito sa lupa. Sinabi mismo ni Jesus: “Bumaba ako mula sa langit.”—Juan 6:38; 8:23.

Higit Pang Impormasyon

Jesus—Saan Siya Nagmula

Alamin kung saan isinilang si Jesus, kung saan siya lumaki, at kung saan siya nagmula.

Bakit Isinugo ng Diyos si Jesus sa Lupa?

Alamin kung bakit pumunta si Jesus sa lupa at kung paano tayo nakikinabang hanggang ngayon.