Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Bibliya ba ay Gawa ng Tao?

Ang sagot ng Bibliya

Totoo, ang Bibliya, o Banal na Kasulatan, ay naglalaman ng magagandang kasabihan. Pero pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sarili nito: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) At maraming patunay na totoo nga ito. Pag-isipan ang sumusunod:

  • Wala pang matagumpay na nakapagpatunay na di-tumpak ang Bibliya ayon sa kasaysayan.

  • Ang mga manunulat ng Bibliya ay tapat na mga lalaking sumulat nang may kataimtiman. Ang kanilang pagiging prangka ay nagpapakitang totoo ang kanilang mga isinulat.

  • Ang Bibliya ay may iisang pangunahing tema: ang pagtataguyod sa karapatan ng Diyos na mamahala sa mga tao at ang katuparan ng kaniyang layunin sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na Kaharian.

  • Kahit isinulat ang Bibliya libo-libong taon na ang nakalilipas, hindi ito naglalaman ng mga maling paniniwala sa siyensiya na karaniwang tinatanggap ng mga tao noon.

  • Pinatutunayan ng mga dokumentadong ulat ng kasaysayan na ang mga hula sa Bibliya ay nagkatotoo.

 

Higit Pang Impormasyon

MAGANDANG BALITA MULA SA DIYOS!

Galing ba Talaga sa Diyos ang Magandang Balita?

Paano tayo nakakasiguro na totoo ang mensahe ng Bibliya?

ANG BANTAYAN

Ang Bibliya ba ay Salita ng Diyos?

Sa palagay mo, ginabayan ba talaga ng Diyos ang mga sumulat ng Bibliya?