Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Antikristo?

Sino ang Antikristo?

Ang sagot ng Bibliya

Ang antikristo ay hindi lang basta isang indibiduwal o partikular na grupo, dahil sinasabi ng Bibliya na “maraming antikristo.” (1 Juan 2:18) Ang salitang “antikristo,” na nagmula sa salitang Griego na nangangahulugang “laban kay (o kahalili ni) Kristo,” ay tumutukoy sa sinuman na gumagawa ng mga sumusunod:

Bukod sa gayong mga indibiduwal, tinutukoy rin ng Bibliya ang mga ito sa kabuuan bilang “ang antikristo.” (2 Juan 7) Unang lumitaw ang antikristo noong panahon ng mga apostol at mayroon pa ring antikristo hanggang ngayon. Inihula ng Bibliya na talagang mangyayari iyan.—1 Juan 4:3.

Kung paano makikilala ang mga antikristo

  • Itinataguyod nila ang maling mga ideya tungkol kay Jesus. (Mateo 24:9, 11) Halimbawa, ang mga nagtuturo ng Trinidad o na si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay hindi umaayon sa mga turo ni Jesus, na nagsabi: “Ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin.”—Juan 14:28.

  • Hindi tinatanggap ng mga antikristo ang sinabi ni Jesus tungkol sa paraan ng pagkilos ng Kaharian ng Diyos. Halimbawa, ayon sa ilang lider ng relihiyon, kumikilos si Kristo sa pamamagitan ng mga gobyerno ng tao. Pero salungat ito sa sinabi mismo ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.”—Juan 18:36.

  • Sinasabi nila na si Jesus ang kanilang Panginoon, pero hindi naman nila sinusunod ang mga utos niya, gaya ng pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian.—Mateo 28:19, 20; Lucas 6:46; Gawa 10:42.

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Ibig Sabihin ng 666?

Isinisiwalat ng Bibliya ang kahalagahan ng bilang na 666 at ng marka ng mabangis na hayop.

Kasinungalingan 2: Isang Misteryo ang Diyos

Ang doktrina ng Trinidad ay isang hadlang para makilala at mahalin ang Diyos. Mapapamahal ba sa iyo ang isa na imposibleng makilala o maunawaan?