Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Paano Ko Mapaglalabanan ang Tukso?

Ang puwede mong gawin

Una, tandaan mong ikaw ang mananagot sa mga ginagawa mo—hindi ang mga kaibigan mo.

Ikalawa, pag-isipan mo kung sa anong bagay ka madaling matukso.

Pagkatapos, tanungin ang sarili, ‘Kailan ako malamang na mapaharap sa tuksong ito?’ (Kapag nasa eskuwela? Kapag nasa trabaho? Iba pa?) Posibleng maiwasan ang tukso kung alam mo kung kailan ito malamang na mangyari.

Ngayon, dapat mong alamin kung anong pag-iingat ang puwede mong gawin para makaiwas sa tukso. (Halimbawa: Kung pagkatapos ng klase ay may mga kaeskuwela kang laging namimilit sa iyo na manigarilyo, baka puwedeng sa iba ka dumaan para maiwasan mo sila.) Ang totoo: Ang mga “kaibigan” na pumipilit sa iyo na gumawa ng masama ay hindi talaga mga kaibigan.

Kung magpapadaig ka sa tukso, magiging alipin ka ng iyong mga pagnanasa

Siyempre pa, kahit anong ingat mo, mapapaharap ka pa rin sa tukso. Baka nga dumating ang isang napakatinding tukso kung kailan hindi mo inaasahan. Ano ang puwede mong gawin?

Maging handa!

Pag-isipan: Bago pa man bumangon ang tukso, buo na ang pasiya ni Jesus—lagi siyang susunod sa kaniyang Ama. (Juan 8:28, 29) Kung gayon, dapat na ngayon pa lang, alam mo na rin kung ano ang paninindigan mo.

Subukan. Mag-isip ng dalawang dahilan kung bakit dapat mong paglabanan ang tuksong pinakamadalas na mapaharap sa iyo. Isipin mo rin ang dalawang paraan kung paano mo ito mapaglalabanan.

Bakit hahayaan mong maging alipin ka ng iba? Gawin mo ang alam mong tama. (Colosas 3:5) Ipanalangin na patuloy mong magawa ito.—Mateo 6:13.

 

Higit Pang Impormasyon

TIN-EDYER

Tanong ng mga Kabataan, Tomo 2

Ilan sa mga paksa: eskuwela, paglilibang, kasama, magulang, pagbabago sa buhay, damdamin, at di-kasekso.

GUMISING!

Kung Paano Haharapin ang Panggigipit

Dahil sa panggigipit, ang mabubuting tao ay nakagagawa ng masasamang bagay. Ano ang dapat mong malaman tungkol dito, at paano mo ito haharapin?

TANONG NG MGA KABATAAN

Pine-pressure Ka Bang Makipag-sex?

Dapat ka bang pumayag? Pagsisisihan mo kaya ito?