Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Ako Makakatulog Nang Sapat?

Sinasabi ng Bibliya: “Mas mabuti ang sandakot na kapahingahan kaysa sa dalawang dakot ng pagpapagal at paghahabol sa hangin.” (Eclesiastes 4:6) Kapag kulang ka sa tulog, babagsak ang performance mo!

  • “Kapag kulang ako sa tulog, hindi ako gaanong makapag-isip. Hiráp akong mag-concentrate!”—Rachel, 19.

  • “Alas-dos pa lang ng hapon, pagód na pagód na ako, kaya halos makatulog ako kahit may kausap ako!”—Kristine, 19.

Kulang ka ba sa tulog? Narito ang ginawa ng ilang kabataan.

Huwag magpuyat. Sinisikap kong matulog nang maaga,” ang sabi ng 18-anyos na si Catherine.

Huwag magbabad sa kuwentuhan. Kung minsan, gabing-gabi na kung tumawag o magtext ang mga kaibigan ko,” ang sabi ng 21-anyos na si Richard, “pero alam ko na ngayon kung paano puputulin ang pag-uusap para makatulog ako nang maaga.

Huwag pabagu-bago. Nagse-set ako ng regular na oras ng pagtulog at paggising,” ang sabi ng 20-anyos na si Jennifer.

Sekreto sa Tagumpay: Sikaping matulog nang di-bababa sa walong oras gabi-gabi.

Malaking tulong ang mga simpleng hakbang na ito para makatulog ka nang sapat. Tandaan, tutulong ang magandang kalusugan para gumaan ang pakiramdam mo, maging masigla ka, at gumanda ang iyong pangangatawan.

Bagaman hindi lahat ng bagay sa buhay ay makokontrol mo, iba naman pagdating sa kalusugan. Gaya nga ng sinabi ng 19-anyos na si Erin, “Ang iyong kalusugan ay nakadepende sa iisang tao—sa iyo.