Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Ko Makokontrol ang Timbang Ko?

Pinapayuhan tayo ng Bibliya na maging “katamtaman ang mga pag-uugali.” (1 Timoteo 3:2) Kasama riyan ang mga kaugalian sa pagkain. Kaya subukan ang mga sumusunod.

Pakiramdaman ang tiyan mo. Dati, nagbibilang pa ako ng kalori,” ang sabi ng 19-anyos na si Julia, “pero ngayon, basta naramdaman kong busog na ako, tumitigil na ako sa pagkain.

Iwasan ang junk food. Nang tigilan ko ang softdrinks,” ang sabi ng 21-anyos na si Peter, “limang kilo agad ang nabawas sa timbang ko sa loob lang ng isang buwan!

Baguhin ang di-magandang kaugalian sa pagkain. Kapag ubos na ang nasa plato ko, hindi na ako kumukuha uli,” ang sabi ng 19-anyos na si Erin.

Sekreto sa Tagumpay: Huwag magpalipas ng gutom. Mapaparami ka lang ng kain!

May mga taong nagsasabi na “Kailangan kong kontrolin ang timbang ko,” pero ang totoo, wala namang problema sa timbang nila. Mali lang ang pangmalas nila sa kanilang katawan. Pero paano kung kailangan mo talagang magbawas ng timbang? Ganito ang nakatulong sa kabataang si Catherine.

“Ang taba-taba ko noon. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ako masaya sa hitsura ko!

“Ilang beses kong sinubukang magdiyeta para magbawas ng timbang, pero balik pa rin sa dati. Kaya noong 15 anyos na ako, naging desidido akong magpapayat sa tamang paraan—isang paraan na mapaninindigan ko.

“Bumili ako ng libro tungkol sa tamang nutrisyon at pag-eehersisyo, at sinunod ko ang mga nabasa ko. Desidido ako na hindi ako susuko kahit sumablay ako paminsan-minsan o masiraan ng loob.

“Effective ito! Sa loob lang ng isang taon, 27 kilo ang nabawas sa timbang ko! Dalawang taon ko na itong nami-maintain. ’Di ko akalaing papayat ako!

“Sa palagay ko, naging successful ako kasi hindi lang ako basta nag-diet—binago ko ang lifestyle ko.”—Catherine, 18.

 

Higit Pang Impormasyon

Pagkontrol sa Labis na Katabaan ng mga Kabataan

Basahin ang simpleng mga hakbang na ginawa ng isang mahilig sa junk food para makontrol ang kaniyang pagkain.