Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

TANONG NG MGA KABATAAN

Bakit Dapat Akong Mag-ehersisyo?

Sinasabi ng Bibliya: “Ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang.” (1 Timoteo 4:8) Maraming kabataan ang nagsasabing “Kailangan kong mag-exercise,” pero tinatamad silang gawin ito.

  • “Noong haiskul ako, ang daming bumagsak sa P.E., eh ’yon nga ang pinakamadaling klase bukod sa recess!”—Richard, 21.

  • “Iniisip ng iba, ‘Bakit ka pa magpapawís at magpapagód sa katatakbo sa init ng araw kung puwede ka namang maglaro ng video game na kunwari’y iyon din ang ginagawa mo?’ ”—Ruth, 22.

Kung ganiyan din ang nadarama mo, pag-isipan ang tatlong pakinabang ng regular na pag-eehersisyo.

Pakinabang 1. Lalakas ang resistensiya mo. Laging sinasabi ng tatay ko, ‘Kung wala kang panahon sa ehersisyo, maghanda-handa ka na sa pagkakasakit,’ ” ang sabi ng 19-anyos na si Rachel.

Pakinabang 2. Maglalabas ng pamparelaks na mga hormone ang iyong utak. Kapag natetensiyon ako sa kakaisip, malaking tulong ang pagtakbo,” ang sabi ng 16-anyos na si Emily. “Maganda na sa katawan, nakakaginhawa pa.

Pakinabang 3. Mag-e-enjoy ka sa pag-eehersisyo. Gustung-gusto ko sa labas,” ang sabi ni Ruth, “kaya ginagawa kong ehersisyo ang pagbibisikleta, hiking, swimming, at snowboarding.

Sekreto sa Tagumpay: Mag-iskedyul ng kahit 20 minuto, tatlong beses bawat linggo para sa ehersisyong mae-enjoy mo.

Tandaan: Bagaman isang factor sa kalusugan ang iyong genes, kadalasan nang mas malaki ang epekto ng pinipili mong lifestyle. Kaya kapag sinabi mo, “Kailangan kong mag-exercise,” nakadepende iyan sa iyo; may magagawa ka!