Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Paano Kung Laging Laman ng Isip Ko ang Sex?

Ang puwede mong gawin

Piliing mabuti ang iyong mga kasama. Kung nagkukuwentuhan ang mga kaibigan at kaklase mo tungkol sa imoral na mga bagay, lalo ka lang mahihirapang kontrolin ang iyong iniisip kung makikisali ka sa usapan. Kadalasang may paraan naman para makaalis ka nang maayos at hindi mapagtawanan, o magmukhang nagmamalinis.

Hahayaan mo bang pasukin ng virus ang computer mo? Kaya bakit mo hahayaang pasukin ng imoral na bagay ang isip mo?

Iwasan ang imoral na mga libangan. Marami sa mga libangan ngayon ang dinisenyo para gisingin ang mga pagnanasa sa di-kasekso. Ano ang payo ng Bibliya? “Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto 7:1) Iwasan mo ang anumang libangan na maaaring magpatindi ng iyong seksuwal na mga pagnanasa.

Ang totoo: Hindi naman masamang magkaroon ng pagnanasa sa isang di-kasekso. Kasi, nilalang ng Diyos ang lalaki at babae para sa isa’t isa kaya likas lamang na magkagustuhan sila, at nilayon niya ang pagsisiping para sa lalaki at babaing mag-asawa. Kaya kung may pagkakataong matindi ang iyong pagnanasa sa isang di-kasekso, hindi naman ibig sabihin niyan na napakasama mo na o hindi mo kayang maging malinis sa moral.

Tandaan: Puwede mong piliin ang mga bagay na iisipin mo. Sa iyong pag-iisip at paggawi, puwede kang maging malinis sa moral kung gugustuhin mo!

 

Higit Pang Impormasyon

Tanong ng mga Kabataan, Tomo 1

Ilan sa mga paksa: alak at droga, sex at moralidad, ligawan, boyfriend at girlfriend.