Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1

Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1

‘Paano ako makikipag-usap sa mga magulang ko?’ ‘Paano ako magkakaroon ng mga kaibigan?’ ‘Ano ang masama sa casual sex?’ ‘Bakit ang lungkot-lungkot ko?’

Kung naitatanong mo rin ang mga iyan, hindi ka nag-iisa. Baka marami ka nang hiningan ng payo pero magkakasalungat ang sagot na nakuha mo. Matutulungan ka ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1. Ang mga payo rito ay batay sa praktikal na mga simulain ng Bibliya. Sa tulong ng Salita ng Diyos, milyon-milyon na ang nagtagumpay sa mga hamon sa buhay. Bakit hindi mo tingnan kung paano ka matutulungan nito?

Makikita sa aklat na ito ang mga seksiyong:

  • Mga Isyung Pampamilya
  • Kung Sino Ka
  • Sa Loob at sa Labas ng Eskuwela
  • Sex, Moralidad, at Pag-ibig
  • Masasamang Bisyo
  • Ang Libre Mong Oras
  • Ang Iyong Pagsamba
  • Apendise Para sa mga Magulang

Puwede mong i-download ang aklat na ito sa PDF format, o kaya’y sumulat sa aming tanggapan para humiling ng nakaimprentang kopya ng aklat.