Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos?
Ang sagot ng Bibliya
Papalitan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao sa buong lupa. (Daniel 2:44; Apocalipsis 16:14) Kapag nangyari na iyon, gagawin ng Kaharian ng Diyos ang sumusunod:
Aalisin ang masasamâ. “Kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa.”—Kawikaan 2:22.
Wawakasan ang lahat ng digmaan. “Pinatitigil [ng Diyos] ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa.”—Awit 46:9.
Magdudulot ng kasaganaan at katiwasayan sa daigdig. “Ang lahat ay mamumuhay nang payapa sa gitna ng kani-kanilang mga ubasan at puno ng igos, at walang sinuman ang tatakot sa kanila.”—Mikas 4:4, Good News Translation.
Gagawing paraiso ang lupa. “Ang disyerto at ang tigang na lupa ay magagalak; ang ilang ay magdiriwang at mamumulaklak.”—Isaias 35:1, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
Bibigyan ng makabuluhan at kasiya-siyang trabaho ang lahat. “Ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng [mga pinili ng Diyos]. Hindi sila magpapagal nang walang kabuluhan.”—Isaias 65:21-23.
Aalisin ang sakit. “Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’”—Isaias 33:24.
Aalisin ang masamang epekto ng pagtanda. “Maging higit na sariwa pa ang kaniyang laman kaysa noong kabataan; mabalik siya sa mga araw ng lakas ng kaniyang kabataan.”—Job 33:25.
Bubuhaying muli ang mga patay. “Ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng [tinig ni Jesus] at lalabas.”—Juan 5:28, 29.