Pumunta sa nilalaman

Ano ang Hitsura ng Diyablo?

Ano ang Hitsura ng Diyablo?

Ang sagot ng Bibliya

 Ang Diyablo ay isang di-nakikitang espiritu, kaya wala siyang pisikal na katawan.—Efeso 6:11, 12.

 Madalas ilarawan ang Diyablo na isang nilalang na may pagkakahawig sa kambing, na may sungay, buntot, at malaking tinidor. Naniniwala ang ilan na ang ganitong paglalarawan sa Diyablo ay mula sa sinaunang mga artist na malamang na naimpluwensiyahan ng alamat at mitolohiya.

 Paano inilalarawan ng Bibliya ang Diyablo?

 Gumagamit ang Bibliya ng ilang paghahalintulad tungkol sa Diyablo. Tinutulungan tayo ng mga ito na maintindihan ang kaniyang mga ugali, at hindi ang kaniyang hitsura. Ito ang ilan sa mga paghahalintulad:

  •   Isang anghel ng liwanag. Pinapaniwala niya ang mga tao na maganda ang iniaalok niya sa kanila para siya ang sundin nila, imbes na ang Diyos.—2 Corinto 11:14.

  •   Isang umuungal na leon. Walang awa niyang inaatake ang mga mananamba ng Diyos.—1 Pedro 5:8.

  •   Isang malaking dragon. Nakakatakot siya, malakas, at mapaminsala.—Apocalipsis 12:9.