Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ano ang Watch Tower Bible and Tract Society?

Ano ang Watch Tower Bible and Tract Society?

Ang Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay isang di-pangnegosyong korporasyon na itinatag noong 1884 alinsunod sa mga batas ng Commonwealth of Pennsylvania, U.S.A. Ito ang ginagamit ng mga Saksi ni Jehova para suportahan ang kanilang pambuong-daigdig na gawain, kasama na rito ang paglalathala ng Bibliya at salig-Bibliyang mga publikasyon.

Ayon sa karta nito, ang layunin ng korporasyon ay “para sa relihiyon, pagtuturo, at pagkakawanggawa,” partikular na para “ipangaral at ituro ang ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo Jesus.” Ang pagiging miyembro ng korporasyon ay sa pamamagitan lang ng imbitasyon at hindi batay sa kung gaano kalaki ang donasyon ng isang tao. Ang mga miyembro at mga direktor ng korporasyon ang tumutulong sa Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova.

Mga Legal na Korporasyong Sumusuporta

Bukod sa Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania, ang mga Saksi ni Jehova ay may iba pang mga legal na korporasyon sa iba’t ibang bansa. Isinali ng ilan sa mga ito sa kanilang pangalan ang mga terminong gaya ng “Watch Tower,” “Watchtower,” o ang salin ng isa sa mga ito.

Mula nang maitatag ang iba’t ibang legal na korporasyong ito, malaki ang naitulong nito para maisagawa namin ang gaya ng mga sumusunod:

  • Pagsulat at paglalathala. Nakapaglathala na kami ng mga 220 milyong Bibliya at halos 40 bilyong salig-Bibliyang publikasyon, sa mahigit 700 wika. Sa aming website na jw.org, mababasa ng mga tao ang Bibliya online nang walang bayad sa mahigit 120 wika at malalaman ang sagot sa mga tanong sa Bibliya gaya ng, “Ano ang Kaharian ng Diyos?

  • Edukasyon. May iba’t ibang paaralan kami para sa pagtuturo ng Bibliya. Halimbawa, mula noong 1943, mahigit 8,000 Saksi ni Jehova na ang nakinabang sa masusing pagsasanay na inilalaan ng Watchtower Bible School of Gilead, na tumulong sa kanila na makapaglingkod bilang misyonero o magpatibay ng aming gawain sa buong daigdig. At linggo-linggo, milyon-milyong Saksi at di-Saksi ang tinuturuan sa mga pulong na isinasagawa namin sa bawat kongregasyon. Nagtuturo din kami sa mga tao na bumasa at sumulat at nakagawa ng isang aklat-aralin para sa kanila sa 110 wika.

  • Pagkakawanggawa. Nagbibigay kami ng materyal na tulong sa mga nagiging biktima ng trahedya—kagagawan man ito ng tao, gaya ng paglipol sa lahi sa Rwanda noong 1994, o likas na mga sakuna, gaya ng lindol sa Haiti noong 2010.

Bagaman marami kaming naisagawa dahil sa mga legal na korporasyong ito, hindi nakadepende rito ang aming gawain. Ang bawat Kristiyano ay may personal na pananagutang tuparin ang bigay-Diyos na utos na mangaral at magturo ng mabuting balita. (Mateo 24:14; 28:19, 20) Naniniwala kami na sinusuportahan ng Diyos ang aming gawain at siya ang patuloy na “nagpapalago nito.”—1 Corinto 3:6, 7.

Higit Pang Impormasyon

Paano Isinusulat at Isinasalin ang mga Literatura ng Mga Saksi ni Jehova?

Naglalathala kami ng mga literatura sa mahigit 750 wika. Bakit namin ito sinisikap na gawin?

Kapag May Sakuna, Tumutulong Tayo Udyok ng Pag-ibig

Sa maraming bansa, tumutulong ang mga Saksi ni Jehova sa panahon ng kagipitan.