Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

Bakit Kayo Tinatawag na mga Saksi ni Jehova?

Bakit Kayo Tinatawag na mga Saksi ni Jehova?

Jehova ang personal na pangalan ng Diyos, gaya ng mababasa sa Bibliya. (Exodo 6:3; Awit 83:18) Ang saksi ay isa na naghahayag ng mga pananaw o katotohanan na pinaniniwalaan niya.

Kaya ang aming pangalan na mga Saksi ni Jehova ay nagpapakilala sa amin bilang isang grupo ng mga Kristiyano na naghahayag ng katotohanan tungkol kay Jehova, ang Maylalang ng lahat ng bagay. (Apocalipsis 4:11) Bilang mga Saksi ni Jehova, nagpapatotoo kami sa pamamagitan ng aming paggawi at pagbabahagi sa iba ng natututuhan namin sa Bibliya.—Isaias 43:10-12; 1 Pedro 2:12.