Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ano ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova?

Ano ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova?

Ang Lupong Tagapamahala ay isang maliit na grupo ng may-gulang na mga Kristiyano na nagbibigay ng tagubilin sa mga Saksi ni Jehova sa buong mundo. May dalawang gawain silang ginagampanan:

Sinusunod ng Lupong Tagapamahala ang huwarang ipinakita ng “mga apostol at matatandang lalaki” sa Jerusalem noong unang siglo na siyang gumagawa ng mahahalagang desisyon sa kapakanan ng buong kongregasyong Kristiyano. (Gawa 15:2) Tulad ng tapat na mga lalaking iyon, ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala ay hindi mga lider ng aming organisasyon. Ginagamit nilang patnubay ang Bibliya, anupat kinikilala na inatasan ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo bilang Ulo ng kongregasyon.—1 Corinto 11:3; Efeso 5:23.

Sino-sino ang miyembro ng Lupong Tagapamahala?

Nitong Marso 2016, ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala ay sina Samuel Herd, Geoffrey Jackson, Stephen Lett, Gerrit Lösch, Anthony Morris III, Mark Sanderson, at David Splane. Naglilingkod sila sa aming pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York, U.S.A.

Ano ang kaayusan ng Lupong Tagapamahala?

Nagtatag ang Lupong Tagapamahala ng anim na komite para pangasiwaan ang iba’t ibang aspekto ng aming gawain, at ang bawat miyembro nito ay naglilingkod sa isang komite o higit pa.

  • Coordinators’ Committee: Nangangasiwa sa legal na mga usapin at nagsasaayos ng tulong kapag may sakuna, kapag pinag-uusig ang aming mga miyembro dahil sa relihiyosong paniniwala, at kapag may mga bagay na nakaaapekto sa mga Saksi ni Jehova na nangangailangan ng dagliang aksiyon.

  • Personnel Committee: Nag-aasikaso sa pangangailangan ng mga miyembro ng pamilyang Bethel.

  • Publishing Committee: Nangangasiwa sa pag-iimprenta at paghahatid ng mga literatura sa Bibliya at sa pagtatayo ng mga dakong pinagtitipunan, translation office, at mga pasilidad ng sangay.

  • Service Committee: Nangangasiwa sa aming gawaing pangangaral ng ‘mabuting balita ng kaharian.’—Mateo 24:14.

  • Teaching Committee: Nangangasiwa sa paghahanda ng espirituwal na tagubilin na inilalaan sa pamamagitan ng mga pulong, paaralan, at mga audio at video program.

  • Writing Committee: Nangangasiwa sa paghahanda ng espirituwal na tagubilin sa nakaimprentang format at sa aming website, pati na rin sa gawaing pagsasalin.

Bukod sa pangunguna sa mga komiteng ito, nagpupulong din linggo-linggo ang Lupong Tagapamahala para pag-usapan ang mga pangangailangan ng organisasyon. Pinag-uusapan nila rito ang sinasabi ng Kasulatan, at nagpapaakay sila sa banal na espiritu ng Diyos para magkaroon ng nagkakaisang desisyon.—Gawa 15:25.

Sino-sino ang katulong ng Lupong Tagapamahala?

Sila ang mapagkakatiwalaang mga Kristiyano na tumutulong sa mga komite ng Lupong Tagapamahala. (1 Corinto 4:2) May kakayahan sila at karanasan sa gawaing pinangangasiwaan ng komite kung saan sila nakaatas, at dumadalo rin sila sa lingguhang pulong nito. Hindi sila nakikibahagi sa pagpapasiya, pero nagbibigay sila ng mahahalagang payo at kaugnay na mga impormasyon, nagpapatupad ng mga desisyon ng komite, at sumusubaybay sa mga resulta nito. Puwede rin silang atasan ng Lupong Tagapamahala para dumalaw sa mga kapatid sa iba’t ibang panig ng daigdig o magpahayag sa mga pagtitipong gaya ng taunang miting o gradwasyon ng Gilead.

LISTAHAN NG MGA KATULONG

Komite

Pangalan

Coordinators’

  • Ekrann, John

  • Wallen, Robert

 

Personnel

  • Grizzle, Gerald

  • LaFranca, Patrick

  • Molchan, Daniel

  • Walls, Ralph

 

Publishing

  • Adams, Don

  • Butler, Robert

  • Corkern, Harold

  • Gordon, Donald

  • Luccioni, Robert

  • Reinmueller, Alex

  • Sinclair, David

 

Service

  • Breaux, Gary

  • Dellinger, Joel

  • Hyatt, Seth

  • Mavor, Christopher

  • Perla, Baltasar, Jr.

  • Turner, William, Jr.

  • Wallen, Robert

  • Weaver, Leon, Jr.

 

Teaching

  • Curzan, Ronald

  • Flodin, Kenneth

  • Malenfant, William

  • Noumair, Mark

  • Schafer, David

 

Writing

  • Ciranko, Robert

  • Mantz, James

  • Marais, Izak

  • Smalley, Gene

 

Higit Pang Impormasyon

Bakit Nag-organisa ang Diyos ng Isang Bayan?

Sinasabi ng Bibliya kung bakit at kung paano inorganisa ang mga tunay na Kristiyano.

Paano Nangangasiwa Ngayon ang Lupong Tagapamahala ng Mga Saksi ni Jehova?

Noong unang siglo, isang maliit na grupo ng matatandang lalaki at mga apostol ang naglingkod bilang lupong tagapamahala para sa kongregasyong Kristiyano. Kumusta naman sa ngayon?

Mayroon Bang Sinusuwelduhang mga Lider ang mga Saksi ni Jehova?

Mayroon ba kaming mga lider? Sino ang mga nagsisilbing ministro?