Pumunta sa nilalaman

Ano ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova?

Ano ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova?

 Ang Lupong Tagapamahala ay isang maliit na grupo ng may-gulang na mga Kristiyano na nagbibigay ng tagubilin sa mga Saksi ni Jehova sa buong mundo. May dalawang gawain silang ginagampanan:

 Sinusunod ng Lupong Tagapamahala ang huwarang ipinakita ng “mga apostol at matatandang lalaki” sa Jerusalem noong unang siglo na siyang gumagawa ng mahahalagang desisyon sa kapakanan ng buong kongregasyong Kristiyano. (Gawa 15:2) Tulad ng tapat na mga lalaking iyon, ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala ay hindi mga lider ng aming organisasyon. Ginagamit nilang patnubay ang Bibliya, at kinikilala na inatasan ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo bilang Ulo ng kongregasyon.—1 Corinto 11:3; Efeso 5:23.

Sino-sino ang miyembro ng Lupong Tagapamahala?

 Ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala ay sina Kenneth Cook, Jr., Gage Fleegle, Samuel Herd, Geoffrey Jackson, Jody Jedele, Stephen Lett, Gerrit Lösch, Jacob Rumph, Mark Sanderson, David Splane, at Jeffrey Winder. Naglilingkod sila sa aming pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York, U.S.A.

Paano inorganisa ang Lupong Tagapamahala?

 Nagtatag ang Lupong Tagapamahala ng anim na komite para pangasiwaan ang iba’t ibang aspekto ng aming gawain, at ang bawat miyembro nito ay naglilingkod sa isang komite o higit pa.

  •   Coordinators’ Committee: Nangangasiwa sa legal na mga usapin at nagsasaayos ng tulong kapag may sakuna, kapag pinag-uusig ang mga Saksi ni Jehova dahil sa relihiyosong paniniwala, at kapag may mga bagay na nakakaapekto sa mga Saksi ni Jehova na nangangailangan ng agarang aksiyon.

  •   Personnel Committee: Nag-aasikaso sa pangangailangan ng mga miyembro ng pamilyang Bethel.

  •   Publishing Committee: Nangangasiwa sa produksiyon at paghahatid ng mga literatura sa Bibliya at sa pagtatayo ng mga lugar para sa pagsamba, translation office, at mga pasilidad ng sangay.

  •   Service Committee: Nangangasiwa sa aming gawaing pangangaral ng ‘mabuting balita tungkol sa Kaharian.’—Mateo 24:14.

  •   Teaching Committee: Nangangasiwa sa paghahanda ng espirituwal na tagubilin na inilalaan sa pamamagitan ng mga pulong, paaralan, at mga audio at video program.

  •   Writing Committee: Nangangasiwa sa paghahanda ng espirituwal na tagubilin sa nakaimprentang format at sa aming website, pati na rin sa gawaing pagsasalin.

 Bukod sa pangunguna sa mga komiteng ito, nagmi-meeting din linggo-linggo ang Lupong Tagapamahala para pag-usapan ang mga pangangailangan ng organisasyon. Pinag-uusapan nila rito ang sinasabi ng Kasulatan, at nagpapaakay sila sa banal na espiritu ng Diyos para magkaroon ng nagkakaisang desisyon.—Gawa 15:25.

Sino ang mga katulong ng Lupong Tagapamahala?

 Sila ang mapagkakatiwalaang mga Kristiyano na tumutulong sa mga komite ng Lupong Tagapamahala. (1 Corinto 4:2) May kakayahan sila at karanasan sa gawaing pinangangasiwaan ng komite kung saan sila nakaatas, at dumadalo rin sila sa lingguhang meeting nito. Hindi sila nakikibahagi sa pagpapasiya, pero nagbibigay sila ng mahahalagang payo at kaugnay na mga impormasyon, nagpapatupad ng mga desisyon ng komite, at sumusubaybay sa mga resulta nito. Puwede rin silang atasan ng Lupong Tagapamahala para dumalaw sa mga kapatid sa iba’t ibang panig ng daigdig o magpahayag sa mga pagtitipong gaya ng taunang miting o gradwasyon ng Gilead.

LISTAHAN NG MGA KATULONG

Committee

Pangalan

Coordinators’

  • John Ekrann

  • Paul Gillies

  • Troy Snyder

Personnel

  • Gerald Grizzle

  • Patrick LaFranca

  • Daniel Molchan

  • Mark Scott

  • Ralph Walls

Publishing

  • Robert Butler

  • Harold Corkern

  • Gajus Glockentin

  • Donald Gordon

  • Robert Luccioni

  • Peter Price III

  • Alex Reinmueller

  • David Sinclair

Service

  • Gary Breaux

  • Joel Dellinger

  • Betty Georges

  • Anthony Griffin

  • Seth Hyatt

  • Christopher Mavor

  • Baltasar Perla, Jr.

  • Jonathan Smith

  • William Turner, Jr.

  • Leon Weaver, Jr.

Teaching

  • Michael Banks

  • Ronald Curzan

  • Kenneth Flodin

  • William Malenfant

  • Mark Noumair

  • David Schafer

Writing

  • Nicholas Ahladis

  • Per Christensen

  • Robert Ciranko

  • Kenneth Godburn

  • James Mantz

  • Izak Marais

  • Clive Martin

  • Leonard Myers

  • Gene Smalley

  • Hermanus van Selm