Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ipinagbabawal ba ng mga Saksi ni Jehova ang Ilang Partikular na mga Pelikula, Aklat, o Awit?

Hindi. Ang aming organisasyon ay hindi nagre-review ng mga pelikula, aklat, o awit para idikta kung alin ang dapat iwasan ng aming mga miyembro. Bakit?

● Hinihimok ng Bibliya ang bawat indibiduwal na sanayin ang kanilang “mga kakayahan sa pang-unawa” para makilala ang tama at mali.—Hebreo 5:14.

● Ang Kasulatan ay nagbibigay ng saligang mga simulain na maaaring isaalang-alang ng isang Kristiyano sa pagpili ng libangan. * Gaya sa ibang bahagi ng aming buhay, ang tunguhin namin ay “patuloy [na] tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon.”—Efeso 5:10.

● Itinuturo ng Bibliya na binigyan ng awtoridad ang ulo ng pamilya, kaya puwede niyang ipagbawal sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang ilang partikular na libangan. (1 Corinto 11:3; Efeso 6:1-4) Pero maliban dito, walang isa man ang binigyan ng awtoridad na ipagbawal sa mga miyembro ng kongregasyon ang ilang partikular na pelikula, awit, o artista.—Galacia 6:5.

^ par. 4 Halimbawa, hinahatulan ng Bibliya ang anumang nagtataguyod ng espiritismo, seksuwal na imoralidad, o karahasan.—Deuteronomio 18:10-13; Efeso 5:3; Colosas 3:8.

 

Higit Pang Impormasyon

GUMISING!

Paano Ako Makakapili ng Mabuting Libangan?

Anong mga bagay ang dapat pag-isipan kapag pumipili ng musika, pelikula, at aklat?