Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bakit Hindi Nagdiriwang ng Easter ang mga Saksi ni Jehova?

Mga maling akala

Maling akala: Hindi Kristiyano ang mga Saksi ni Jehova kaya hindi sila nagdiriwang ng Easter.

Ang totoo: Naniniwala kaming si Jesu-Kristo ang ating Tagapagligtas, at sinisikap naming ‘maingat na sundan ang kaniyang mga yapak.’—1 Pedro 2:21; Lucas 2:11.

Maling akala: Hindi kayo naniniwalang binuhay-muli si Jesus.

Ang totoo: Naniniwala kami sa pagkabuhay-muli ni Jesus; alam naming isa ito sa pinakamahahalagang turo ng Kristiyanismo at kasama ito sa aming ipinangangaral.—1 Corinto 15:3, 4, 12-15.

Maling akala: Pinagkakaitan ninyo ng kasiyahan ang mga anak ninyo dahil hindi kayo nagdiriwang ng Easter.

Ang totoo: Mahal namin ang aming mga anak. Ginagawa namin ang lahat para sanayin sila at tulungan silang maging masaya.—Tito 2:4.

Bakit hindi nagdiriwang ng Easter ang mga Saksi ni Jehova?

  • Hindi batay sa Bibliya ang pagdiriwang ng Easter.

  • Inutusan tayo ni Jesus na alalahanin ang kamatayan niya, hindi ang kaniyang pagkabuhay-muli. Taun-taon, inaalala namin ang kamatayan niya sa eksaktong petsa nito ayon sa kalendaryong lunar ng Bibliya.—Lucas 22:19, 20.

  • Naniniwala kaming hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang Easter dahil nag-ugat ito sa sinaunang mga ritwal sa pag-aanak. Humihiling ang Diyos ng “bukod-tanging debosyon,” at nasasaktan siya kapag sinasamba siya ng mga tao sa paraang hindi niya sinasang-ayunan.—Exodo 20:5; 1 Hari 18:21.

Naniniwala kami na ang desisyon naming huwag magdiwang ng Easter ay batay sa Bibliya. Hinihimok tayo nito na gumamit ng “praktikal na karunungan” at “kakayahang mag-isip” sa halip na basta na lang sumunod sa tradisyon. (Kawikaan 3:21; Mateo 15:3) Ibinabahagi namin sa iba ang paniniwala namin tungkol sa Easter kapag tinanong kami, pero iginagalang namin ang karapatan ng bawat isa na magdesisyon para sa sarili niya.—1 Pedro 3:15.

 

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Easter?

Alamin ang pinagmulan ng limang kaugalian kapag Easter.

Paano Mo Makikilala ang Tunay na Relihiyon?

Iisa lang ba ang tunay na relihiyon? Alamin ang limang pagkakakilanlan ng tunay na relihiyon.