Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Tulong sa mga Bilanggo

Araw-araw, maraming preso sa E.U.A. ang sumusulat sa mga tanggapan ng mga Saksi ni Jehova at humihiling ng tulong para mapalapit sila sa Diyos.

Bilang pagtugon, isinasaayos namin na madalaw ng mga ministro sa lokal na kongregasyon ang mga nasa bilangguan, ospital, youth facility, at rehabilitation center para maturuan sila sa Bibliya.

Sa ilang bilangguan, ang aming mga ministro ay regular na nagdaraos ng mga pulong. Halimbawa, sa isang pasilidad, 32 ang dumalo sa diskurso sa Bibliya na idinaos sa dalawang lugar doon.

Maganda ang mga resulta. Isang preso sa Indiana, na nasentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo sa salang pagpatay, ang nagbago at nabautismuhan bilang isang Saksi ni Jehova.

Nagbago rin ang isang preso sa isang malaking bilangguan sa California. Ganito ang sinabi ng Saksing tumulong sa kaniya: “Nakita ko kung paano siya nagbago. Malaking pagsisikap ang ginawa niya para maging kuwalipikado sa bautismo.

Maraming preso ang tumanggap ng katotohanan sa Bibliya, kahit alam nilang manganganib ang kanilang buhay. Halimbawa, may mga kumalas sa kanilang gang na kinailangang ibukod o ilipat ng bilangguan para sa kanilang kaligtasan.

Hangang-hanga ang mga opisyal ng bilangguan sa mabuting epekto ng Bibliya sa mga preso. Ang ilan sa kanila ay nagbigay ng mga sertipiko at award bilang pagkilala sa tulong na nagagawa ng mga Saksi para sa mga bilanggo.