Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Tinuturuan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Magulang at Anak Para Protektahan Sila Laban sa Pangmomolestiya

Tinuturuan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Magulang at Anak Para Protektahan Sila Laban sa Pangmomolestiya

Pinapayuhan ng Bibliya ang mga magulang na mahalin, patnubayan, at protektahan ang kanilang mga anak, at ituring ang mga ito na regalo mula sa Diyos. (Awit 127:3; Kawikaan 1:8; Efeso 6:1-4) Kailangang protektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak laban sa maraming panganib, at isa na rito ang seksuwal na pang-aabuso.

Ang mga Saksi ni Jehova ay ilang dekada nang naglalathala at namamahagi ng mga impormasyong tumutulong para maging matibay ang ugnayan ng pamilya. May mga materyal din silang inilaan para tumulong sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula sa pangmomolestiya at turuan ang mga ito na mag-ingat sa seksuwal na mga mang-aabuso. Ang sumusunod ay ilan sa mga materyal na inilathala ng mga Saksi ni Jehova na nagbibigay ng espesipikong patnubay sa mga isyung ito. Pansinin kung gaano karaming kopya at wikang ginamit sa paglalathala ng mga artikulong ito. *

  • Pamagat: Insesto—Ang Inililihim na Krimen

    • Publikasyon: Hulyo 8, 1981, isyu ng Gumising!

    • Kopya: 7,800,000

    • Wika: 34

  • Pamagat: Tulong Para sa mga Biktima ng Insesto

    • Publikasyon: Abril 1, 1984, isyu ng Ang Bantayan

    • Kopya: 10,050,000

    • Wika: 102

  • Pamagat: Pang-aabuso sa Bata—Masamang Panaginip ng Bawat Ina; Pang-aabuso sa Bata—‘Sino ang Gagawa ng Ganiyang Bagay?’; Pang-aabuso sa Bata—Maaari Ninyong Pangalagaan ang Inyong Anak

    • Publikasyon: Hunyo 22, 1985, isyu ng Gumising!

    • Kopya: 9,800,000

    • Wika: 54

  • Pamagat: Ang Walang Malay na mga Biktima ng Pag-abuso sa Bata; Ang Lihim na mga Sugat ng Damdamin na Likha ng Pag-abuso sa Bata

    • Publikasyon: Oktubre 8, 1991, isyu ng Gumising!

    • Kopya: 12,980,000

    • Wika: 64

  • Pamagat: Ang Inyong Anak ay Nanganganib!; Paano Natin Maiingatan ang Ating mga Anak?; Pag-iingat sa Tahanan

    • Publikasyon: Oktubre 8, 1993, isyu ng Gumising!

    • Kopya: 13,240,000

    • Wika: 67

  • Pamagat: Protektahan ang Inyong Anak

    • Publikasyon: Public Service Announcement Video Number 4, inilathala noong 2002

    • Wika: 2

  • Pamagat: Kung Paano Iningatan si Jesus

  • Pamagat: Isang Panganib na Ikinababahala ng Bawat Magulang; Paano Mapoprotektahan ang Inyong mga Anak?; Gawing Kanlungan ang Inyong Pamilya

    • Publikasyon: Oktubre 2007 isyu ng Gumising!

    • Kopya: 34,267,000

    • Wika: 81

  • Pamagat: Paano Ko Mapoprotektahan ang Sarili Ko sa Seksuwal na Pang-aabuso?; Tanong ng mga Magulang: Dapat Ko Bang Ipakipag-usap sa Anak Ko ang Sex?

  • Pamagat: Paano Tuturuan ng mga Magulang ang Kanilang mga Anak Tungkol sa Sex?

    • Publikasyon: website na jw.org; artikulong inilathala noong Setyembre 5, 2013

    • Wika: 64

Patuloy na tuturuan ng mga Saksi ni Jehova ang mga magulang at anak para maiwasan nilang mabiktima ng pangmomolestiya.

^ par. 3 Ang petsa ng mga isyu ay sa edisyong Tagalog.

Higit Pang Impormasyon

GUMISING!

Ang Iyong Papel Bilang Magulang

Paano mo matutulungan ang iyong mga anak na maharap ang mga hamon sa moralidad?