Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Warwick Photo Gallery 4 (Mayo Hanggang Agosto 2015)

Warwick Photo Gallery 4 (Mayo Hanggang Agosto 2015)

Makikita sa photo gallery ang pagsulong ng pagtatrabaho sa bagong punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova at kung paano sinuportahan ng mga boluntaryo ang proyekto mula Mayo hanggang Agosto 2015.

Drawing ng buong pasilidad sa Warwick. Paikot mula sa itaas sa kaliwa:

  1. Vehicle Maintenance Building

  2. Visitor Parking

  3. Maintenance Building/Resident Parking

  4. Residence B

  5. Residence D

  6. Residence C

  7. Residence A

  8. Offices/Services Building

Mayo 6, 2015—Warwick site

Isang kagamitang pansala ang inihahandang ibaba ng isang rigger sa Sterling Forest Lake (Blue Lake). Ang kagamitang ito ay pangharang sa malalaking piraso ng labí para hindi makapasok sa mababang labasan ng tubig ng lawa.

Mayo 6, 2015—Maintenance Building/Resident Parking

Nagbobomba ng “shotcrete” (semento) ang structural team sa mga halang sa gilid ng bubong ng Maintenance Building. Mas mabilis ang pamamaraang ito kaysa sa karaniwang paraan ng pagsesemento.

Mayo 15, 2015—Warwick site

Kinukunan ng litrato ng isang photographer mula sa Documentation Department ang ginagawang konstruksiyon. Bawat linggo, tinitingnan ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang mga litrato para makita ang pagsulong ng proyekto.

Mayo 30, 2015—Tuxedo complex

Dalawang boluntaryo mula sa southern California ang dumating para magtrabaho sa Plumbing Department. Kabilang sila sa daan-daang dumating nang araw na iyon sa Tuxedo, na nagsisilbing staging area, o base, ng konstruksiyon sa Warwick. Noong Agosto 1, dumating ang pinakamataas na bilang na 707 bagong manggagawa sa proyekto.

Hunyo 9, 2015—Residence B

Gumagamit ng crane ang mga kontratista para buhatin at ilagay sa puwesto ang isang panel ng dingding. Ang Residence B ang huling residence na nilagyan ng mga panel ng dingding at mga bintana.

Hunyo 16, 2015—Residence C at D

Inilalagay ng mga kontratista ang tulay na magkokonekta sa Residence C at D.

Hunyo 25, 2015—Residence C

Naglalatag ng damo ang mga landscaper sa gawing kanluran ng site.

Hulyo 2, 2015—Warwick site

Nire-renovate ng structural crew ang primary spillway, na gagana kaugnay ng dam. Ang orihinal na istraktura ay ginawa noong dekada ’50. Kailangan itong i-renovate dahil mas malalakas na ngayon ang mga bagyo at buhos ng ulan sa lugar na ito. Poprotektahan nito ang Warwick site at ang kalapit na mga property para hindi mapinsala ng baha.

Hulyo 15, 2015—Residence A

Para hindi masikip sa site, ang gawain sa loob ng mga gusali, gaya ng pagpipintura at paglalagay ng insulasyon sa mga tubo, ay ginagawa sa gabi. Nang magkaroon ng second shift, daan-daan ang naatasang magtrabaho mula 3:00 n.h. hanggang 2:00 n.u.

Hulyo 20, 2015—Residence D

Tinuturuan ng isang miyembro ng HVAC crew ang isang kasamahan kung paano maglalagay ng insulasyon sa mga tubo.

Hulyo 21, 2015—Residence B

Pinipinturahan ang tulay na nagkokonekta sa Residence B at Maintenance Building.

Hulyo 27, 2015—Tuxedo complex

Sa parking lot sa likuran, naghihintay ng bus ang mga manggagawa patungo sa Warwick. Isang pangkat ng mga bus ang naghahatid-sundo sa mga nagtatrabaho sa konstruksiyon.

Hulyo 27, 2015—Tuxedo complex

Ginugupitan ng buhok ang tatlong manggagawa sa Warwick. Mahigit 400 ang ginugupitan ng buhok linggo-linggo sa mga barberya sa Tuxedo, Warwick, at sa warehouse sa Montgomery.

Agosto 3, 2015—Warwick site

Inihahanda ang mga molde na bubuhusan ng semento sa geothermal field. Ang sistema ay gagamit ng 120 balon na mga 150 metro (500 ft) ang lalim at tutulong sa pagpapainit kapag taglamig at sa pagpapalamig kapag tag-init. Ang paggamit ng geothermal energy ay makakabawas sa gastusin at makakatulong para hindi mapinsala ang kapaligiran.

Agosto 7, 2015—Montgomery, New York

Ang mga suplay na binili ay tinatanggap at pinagsasama-sama sa mga kit para sa espesipikong mga gawain sa Warwick.

Agosto 14, 2015—Tuxedo Park, New York

Dalawang manggagawa sa Warwick (ikalawa at ikatlo mula sa kanan) ang masayang kumakain kasama ng isang pamilyang tagaroon. Ilang pamilyang Saksi ni Jehova, gaya ng isang ito, ang naglaan ng matutuluyan ng mga boluntaryo sa kanilang bahay.

Agosto 17, 2015—Maintenance Building/Resident Parking

Tinitingnan ng isang manggagawa ang elevation grade gamit ang isang automatic level.

Agosto 20, 2015—Offices/Services Building

Tapos na ang paglalagay ng mga salamin sa main lobby, kung saan pupunta ang mga bisita para sa tour.

Agosto 26, 2015—Warwick site

Sa pagitan ng Mayo at Agosto, nailagay na ang lahat ng panel ng dingding at mga bubong sa Residence B, ang huling residence. Nailagay na rin ang lahat ng tulay na daanan ng tao sa pagitan ng mga gusali, at sinimulan na ang ilang proyekto sa landscaping.

Higit Pang Impormasyon

Anong Uri ng mga Tao ang mga Saksi ni Jehova?

Ilan ang kakilala mong mga Saksi ni Jehova? Ano ang alam mo tungkol sa amin?