Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Warwick Photo Gallery 6 (Marso Hanggang Agosto 2016)

Warwick Photo Gallery 6 (Marso Hanggang Agosto 2016)

Makikita sa photo gallery ang pagsulong ng pagtatrabaho sa bagong punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova at kung paano sinuportahan ng mga boluntaryo ang proyekto mula Marso hanggang Agosto 2016.

Larawan ng buong pasilidad sa Warwick. Paikot mula sa itaas sa kaliwa:

  1. Vehicle Maintenance Building

  2. Visitor Parking

  3. Maintenance Building/Resident Parking

  4. Residence B

  5. Residence D

  6. Residence C

  7. Residence A

  8. Offices/Services Building

Marso 16, 2016​—Warwick site

Idinidiskarga ng mga landscaper ang mga puno ng oak at maple sa tree staging area. Mahigit 1,400 bagong puno ang itinatanim sa Warwick site.

Marso 23, 2016​—Vehicle Maintenance Building

Idinaraos ng mga nagtatrabaho sa Warwick ang Hapunan ng Panginoon. May kabuoang bilang na 384 ang nasa lokasyong ito para sa okasyong iyon, na ginugunita ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig taon-taon.

Abril 15, 2016​—Warwick site

Kinakabitan ng mga karpintero ng mga bintana ang gatehouse. Ang mga nagbabantay sa gatehouse ang tatanggap sa mga bisita, maglalaan ng seguridad, at mangangasiwa sa daloy ng mga sasakyang pumapasok at lumalabas.

Abril 19, 2016​—Offices/Services Building

Mag-amang naglalatag ng kudra-kudradong carpet sa isang hallway sa ikalawang palapag. Mga kudra-kudradong carpet ang ginamit sa maraming pampublikong lugar, dahil mas madali itong palitan kaysa sa mas malalapad na carpet.

Abril 27, 2016​—Offices/Services Building

Kinakabitan ng mga karpintero ng nakakalas na mga partisyon ang mga opisina. Sa gayon, puwedeng baguhin ang pagkakaayos ng mga opisina kung kinakailangan.

Mayo 10, 2016​—Offices/Services Building

Inihahanda ng isang manggagawa ang malaking restroom ng mga bisita, katabi ng lobby, para lagyan ng mga toilet at partisyon.

Mayo 26, 2016​—Warwick site

Sa isang pagsasanay, naghahanda ang Emergency Response Team para patayin ang apoy. Kung mabilis nila itong magagawa, mapoprotektahan ng mga bomberong ito ang mga manggagawa at mga gusali sa Warwick samantalang tumutulong din para mabawasan ang trabaho ng lokal na kagawaran ng pamatay-sunog.

Mayo 30, 2016​—Offices/Services Building

Pinauupo ng isang waiter ang mga manggagawa sa Warwick sa main dining room bago magsimula ang unang Morning Worship program na naka-tie in sa lokasyong iyon.

Mayo 31, 2016​—Maintenance Building/Resident Parking

Gamit ang isang self-leveling laser, ikinakabit ng isang karpintero ang isa sa mahigit 2,500 karatula na magbibigay ng direksiyon sa mga residente at bisita.

Hunyo 1, 2016​—Offices/Services Building

Kinakabitan ng isang welder ng mga hawakan ang pangunahing hagdan mula sa lobby patungo sa auditorium. Ang takip na di-tinatablan ng apoy, makikita sa ibaba ng larawan, ay nagsisilbing proteksiyon para sa mga bagay sa paligid.

Hunyo 9, 2016​—Offices/Services Building

Tinatapos ng isang miyembro ng Walls/Ceilings Department ang drywall patungo sa “Faith in Action,” isa sa tatlong self-guided exhibit. Itinatampok ng detalye ng arkitektura ng mga exhibit ang tema ng bawat gallery.

Hunyo 16, 2016​—Vehicle Maintenance Building

Inihahanda ng mga manggagawa ang kongkretong sahig para sa densification. Dahil sa prosesong ito, ang kongkreto ay tumitibay, hindi dumihin, at mas madaling mantinihin.

Hunyo 29, 2016​—Offices/Services Building

Ikinakabit ng mga karpintero ang fiberglass na bubong sa ibabaw ng pasukan sa lobby. Ang mga translucent panel ay magbibigay ng banayad na liwanag sa main entryway.

Hunyo 29, 2016​—Offices/Services Building

Mag-asawang naglalatag ng granite tile sa pasukan ng exhibit na “The Bible and the Divine Name.”

Hulyo 6, 2016​—Offices/Services Building

Ikinakabit ng isang karpintero ang isa sa 1,018 upuan sa main auditorium. Dito gaganapin ang pampamilyang Pag-aaral ng Bantayan at iba pang espirituwal na programa para sa pamilyang Bethel.

Hulyo 9, 2016​—Offices/Services Building

Sa main lobby, ikinakabit ng mga karpintero, elektrisyan, at iba pang manggagawa ang may-ilaw na welcome sign para sa mga bisita.

Hulyo 13, 2016​—Offices/Services Building

Dalawang miyembro ng Building Support crew ang naghahatid ng tubig sa mga manggagawa sa main lobby. Lalo na kapag mainit ang panahon, ang mga nagtatrabaho ay laging pinaaalalahanang uminom ng tubig.

Hulyo 19, 2016​—Offices/Services Building

Isang karpintero ang naglalagay ng mga display case na paglalagyan ng di-karaniwang mga Bibliya para sa exhibit na “The Bible and the Divine Name.” Kasama sa exhibit na ito ang papalit-palit na koleksiyon na nagtatampok ng iba pang mga Bibliya at mga artifact na may kaugnayan sa Bibliya.

Hulyo 22, 2016​—Offices/Services Building

Sa tulong ng blueprint na pino-project sa dingding, ikinakabit ng isang karpintero ang larawan ng Australia at ng mga isla sa Southeast Asia sa mapa sa main lobby. Ang pangalang Mga Saksi ni Jehova ay lumilitaw sa dingding sa halos 700 wika.

Hulyo 23, 2016​—Offices/Services Building

Dumadalo sa isang orientation session ang mga miyembro ng pamilyang Bethel. Ang mga session ay dinisenyo para tanggapin at turuan ang mga Bethelite na aatasan sa Warwick at babalaan sila tungkol sa mga safety hazard doon sa kasalukuyan.

Agosto 17, 2016​—JW Broadcasting studio

Isinasabit ng mga rigger ang light-ring at ang istrakturang sumusuporta rito sa ibabaw ng JW Broadcasting anchor desk. Karamihan sa mga bahagi ng studio ay inilipat mula sa dati nitong lokasyon sa Brooklyn.

Agosto 24, 2016​—Warwick site

Ikinakabit ng isang elektrisyan ang isang bagong karatula na may ilaw na LED sa main entrance. Noong Setyembre 1, marami nang departamento ng pandaigdig na punong-tanggapan ang nagtatrabaho sa Warwick.