Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Warwick Photo Gallery 3 (Enero Hanggang Abril 2015)

Warwick Photo Gallery 3 (Enero Hanggang Abril 2015)

Makikita sa photo gallery ang pagsulong ng pagtatrabaho sa bagong punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova mula Enero hanggang Abril 2015.

Drawing ng buong pasilidad sa Warwick. Paikot mula sa itaas sa kaliwa:

  1. Vehicle Maintenance Building

  2. Visitor Parking

  3. Maintenance Building/Resident Parking

  4. Residence B

  5. Residence D

  6. Residence C

  7. Residence A

  8. Offices/Services Building

Enero 2, 2015—Vehicle Maintenance Building

Si Harold Corkern, isang tumutulong sa Publishing Committee ng Lupong Tagapamahala, na nagpapahayag ng isang paksang mula sa Bibliya na pinamagatang “Pamumuhay Ayon sa Iyong Potensiyal.” Regular na dumadalaw sa Warwick ang mga tagapagsalita para patibayin ang mga manggagawa.

Enero 14, 2015—Offices/Services Building

Ang puting plastik na trapal ay nagbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa at tumutulong sa kanila na matapos ang kanilang gawain habang taglamig. Sa bahaging ito ng gusali ilalagay ang dining room, infirmary, kitchen, at laundry.

Enero 16, 2015—Residence D

Naghahanda ang mga elektrisyan na magkabit ng kawad. Mahigit 12,000 metro (40,000 ft) ng kable ang nailagay na sa mga residence building. Ang elektrikal na gawain sa Warwick ay nagsimula pagkatapos itong mabili at magpapatuloy hanggang matapos ang proyekto.

Enero 16, 2015—Residence A

Nilalagyan ng isang manggagawa ng duct tape ang balkonahe bilang paghahanda sa waterproofing. Dito, ang mga balkonahe sa itaas na palapag ay binalot ng polymethyl methacrylate (PMMA)—isang materyal na hindi tinatablan ng tubig at mabilis na maipapahid na parang likido.

Enero 23, 2015—Residence A

Mag-ama sa electrical team na nagkakabit ng kable na magdadala ng kuryente sa indibiduwal na mga residence.

Pebrero 6, 2015—Vehicle Maintenance Building

Nanananghalian ang gutóm na mga manggagawa sa pansamantalang dining room. Araw-araw, para sa mahigit 2,000 katao ang inihahain na pananghalian.

Pebrero 12, 2015—Maintenance Building/Resident Parking

Ikinakabit ng structural crew ang mga rebar para sa basement ng mga maintenance shop.

Pebrero 12, 2015—Residence C

Mga liham ng pasasalamat mula sa mga bata para sa mga manggagawa sa konstruksiyon. Maraming boluntaryo ang nanatili sa loob ng maikling yugto ng panahon. Sa katunayan, humigit-kumulang 500 bagong manggagawa ang dumarating linggo-linggo. Noong Pebrero, mga 2,500 ang nagtrabaho sa proyekto sa Warwick araw-araw.

Pebrero 24, 2015—Warwick site

Halos 60 porsiyento ng proyekto ang tapos na. Sa pagitan ng Enero at Abril 2015, natapos ang superstructure ng mga residence building at ang steel structure ng Offices/Services Building. Noong panahong iyon, sinimulan din ng mga manggagawa ang pagkakabit ng mga kongkretong panel sa Maintenance Building, pagtatayo ng mga walkway na nagdurugtong sa mga residence, at pagpapanauli ng dam sa Sterling Forest Lake (Blue Lake).

Pebrero 25, 2015—Offices/Services Building

Tanawin mula sa ibaba ng isang stair tower. Ginawa ng mga kontratista ang mga porma ng limang-palapag na toreng ito, at ang mga boluntaryong Saksi naman ang nagbuhos ng semento.

Pebrero 26, 2015—Maintenance Building/Resident Parking

Noong isang maginaw na araw, ikinabit ng structural crew ang mga rebar para sa unang palapag. Halos 127 sentimetro (50 in.) ang niyebe sa Warwick sa pagitan ng Enero at Marso. Pinala ng crew ang niyebe sa mga lugar ng trabaho, at ang mga manggagawa ay nagpainit sa mga heated station.

Marso 12, 2015—Visitor Parking

Kinakabitan ng mga metal sheet ang prefabricated roof trusses. Sa pagtatapos ng Abril, natapos at naikabit na ang karamihan ng mga bubong sa mga residence building. Matatapos nang ikabit ang huling mga bubong sa kalagitnaan ng Hunyo.

Marso 18, 2015—Maintenance Building/Resident Parking

Tanawin mula sa isang tower crane, na nakaharap sa Residence B.

Marso 18, 2015—Maintenance Building/Resident Parking

Tinitingnan ng mga tubero ang mga drowing sa Resident Parking Garage. Mahigit 3,400 aprobadong drowing ng konstruksiyon ang kailangan para sa buong proyekto.

Marso 23, 2015—Offices/Services Building

Sakay ng isang boom lift, ang mga manggagawa ay nagkakabit ng plastik na trapal para protektahan ang gusali. Tinitiyak ng maraming programa ng pagsasanay na magagamit nang ligtas ang mga lift at ang iba pang kasangkapan. Kasali sa mga klaseng pangkaligtasan ang mga boom lift, scissor lift, fall protection, general orientation, respirator use, at rigging/signaling.

Marso 30, 2015—Warwick site

Nakaharap sa kanluran sa mga residence building. Sa pagtatapos ng Abril, ginagawa na ang mechanical at electrical system sa Residence A, B, at D, na makikita sa larawan. Sa Residence C (wala sa larawan), sinimulan na ang drywall, tile, at pagpipintura.

Abril 15, 2015—Residence B

Dalawang manggagawa na sakay ng boom lift ang nagpapahid ng vapor-permeable air barrier sa mga dingding sa labas. Nangangailangan ng humigit-kumulang dalawang buwan para mapahiran ng barrier ang bawat residence building.

Abril 27, 2015—Offices/Services Building

Mga kantero na nagtatayo ng pader na granito. Sa bahaging ito ng gusali ilalagay ang receiving dock at ang iba’t ibang support services.

Abril 30, 2015—Warwick site

Pinapalitan ng isang inupahang diver ang lumang balbula sa Blue Lake. Isang pindot lang sa buton, puwede nang bumaba ang level ng tubig sa lawa para maiwasan ang pagbaha sakaling bumagyo.