Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Pagsulong ng mga Proyekto sa Wallkill at Warwick

Pagsulong ng mga Proyekto sa Wallkill at Warwick

Dalawang malalaking proyekto sa pagtatayo ng mga Saksi ni Jehova sa United States ang patuloy na sumusulong dahil sa pagsisikap ng mga boluntaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Wallkill, New York: Sa pasilidad na ito nakatira at nagtatrabaho ang mahigit 1,600 Saksi at ito ang sentro ng produksiyon ng literatura ng mga Saksi ni Jehova sa United States. Para palawakin ang gawain sa Wallkill, ang mga construction worker, mga boluntaryo ang karamihan, ay nagtatayo ng tatlong-palapag na office building, parking garage, at tatlong-palapag na residence building para sa personnel. Pagsapit ng 2012, natapos na ng mga boluntaryo ang pagtatayo ng gusali para sa technical equipment at karagdagang espasyo para sa 200 katao sa dining room.

Sa maraming bansa, ang mga Saksi ni Jehova ay may mga pasilidad na tinatawag na tanggapang pansangay, kagaya sa Brazil, Germany, at Mexico. Sa United States, kasama sa pasilidad nila ang isang educational center sa Patterson, New York, at mga opisina sa Brooklyn, New York. Kapag natapos ang pagtatayo, ang Wallkill ang magiging pinakamalaking pasilidad ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig.

Warwick, New York: Ang pasilidad na ito ang magiging bagong pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga gusali na hindi na ginagamit ay giniba na. Bumili ang mga Saksi ng lote sa Tuxedo, New York, mga 10 kilometro ang layo sa Warwick para paglagyan ng mga makinarya at materyales sa pagtatayo. Tinanggap na ng lokal na mga awtoridad ang environmental impact statement para sa proyekto. Kapag naaprubahan na ang site plan, magsusumite ng aplikasyon para sa building permit. Samantala, ang pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova ay nasa Brooklyn, New York pa rin.