Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Pinuri ng Safety Inspector ang mga Saksi

Matapos inspeksiyunin ng isang safety inspector ng gobyerno ang konstruksiyon ng Kingdom Hall sa Sydney, Australia, sinabi niya: “Sa mga site na ininspeksiyon ko sa loob ng mahabang panahon, ito ang isa sa pinakamahusay.

Isinulat ng inspektor: “Napakaganda ng pagpapatakbo sa site ... napakalinis at napakasinop [nito], may maayos na pasukan at labasan, ang mga linya ng kuryente ay nakasabit gamit ang mga plastic hook, [at] may nakahandang mga fire extinguisher ... Ang lahat ng nasa site ay nakasuot ng long sleeves, pantalon, hard hat at safety glasses. ... Ang mga nagtatrabaho sa site ay napakamatulungin.

Napakahalaga sa mga Saksi ng kaligtasan,” ang sabi ni Victor Otter, ang manedyer ng site. “Kapag nag-iingat kami sa pagtatrabaho, tinutularan namin ang pangmalas ng Diyos sa buhay at itinataguyod namin ang pagkakaisa at kaligayahan. Pagkatapos ng maghapong trabaho, madalas akong umuuwi nang nakangiti.

Ang Kingdom Hall na ito na may seating capacity na 127 ay natapos noong Abril 2012.