Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mga Liham Mula sa mga Nagpaupa ng Property

Mga Liham Mula sa mga Nagpaupa ng Property

Natapos kamakailan ng mga Saksi ni Jehova ang anim-na-taóng konstruksiyon ng karagdagang mga pasilidad sa Watchtower Farms sa Wallkill, New York. Habang bumibilis ang trabaho sa huling dalawang taon, kinailangan ang karagdagang mga tuluyan para sa mga boluntaryo. Kaya naman 25 bahay sa paligid ang inupahan para magamit nila.

Tungkol sa mga Nakitira sa Property

Ano ang masasabi ng mga nagpaupa tungkol sa nakitirang mga Saksi ni Jehova?

  • “Masayang-masaya kami sa mga tenant,” ang sabi ng isang nagpaupa ng bahay. “Nakatira kami ng asawa ko sa tabi mismo [ng inupahang tuluyan], at damang-dama [namin] y’ong pakikipagtulungan at pakikipagkaibigan ng mga tenant na tumira doon.”

  • Isa pang may-ari ng property, na nakatira din malapit sa pinaupahan niyang bahay, ang nagsabi: “Lagi kaming nag-e-enjoy kapag kasama sila. May isang pond sa likod-bahay namin na puwedeng languyan, at madalas do’n y’ong mga binata kapag niyaya namin. Kapag nagpupunta sila, makonsiderasyon sila at magalang. Gustong-gusto namin silang kasama at mami-miss na makitang nagtatakbuhan sila sa bukid.” Sinabi pa niya: “Napakagandang alaala ang naiwan sa amin.”

  • Isa pang may-ari ng property ang nagsabi: “Gustong-gusto ko ’yon, na y’ong mga nangupahan ay parang mga kapitbahay na din.”

Tungkol sa mga Inupahang Property

Ano ang masasabi ng mga nagpaupa tungkol sa kalagayan ng property nila pagkaalis ng mga Saksi?

  • “Laging nasa oras ang bayad, [at] namantini nang husto ang bahay at maayos na maayos ito nang ibalik sa amin.”

  • “Salamat sa inyo at sa buong organisasyon ng Watchtower dahil inalagaan ninyong mabuti ang bahay namin,” ang sabi ng isa sa mga nagpaupa na nabanggit na. Sinabi rin niya na “napakapulido” palang maglinis ng mga Saksi.

  • “Alam ko kung gaano katapat ang organisasyon ninyo,” ang paliwanag ng isang babae, “kaya hindi na kami [humingi] ng deposito. Napakalinis n’ong dalawang paupahan nang ibalik sa amin.”

  • “Paano kaya ako magkakaroon ng mga trabahador na kasamahan ninyo?” ang tanong ng isang lalaki pagkatapos na magkumpuni sa property niya ang mga Saksi. “Kapag nangako kayong magtatrabaho sa isang partikular na araw, lagi kayong nasa oras. Y’ong mga tauhan ko ay hindi ko maasahang tumupad sa kanilang salita.”

Huling Komento

  • Bago natapos ang kontrata sa isang bahay, sumulat ang may-ari na kung mangungupahan uli ang mga Saksi, magbibigay siya ng malaking diskuwento sa upa bilang “financial incentive.”

  • Sinabi ng isa pa: “Gustong-gusto naming paupahan ang property namin sa Watchtower kung may pagkakataon uli.”