Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mas Kaunting Pahina, Mas Maraming Wika

Simula sa Enero 2013, ang magasing Gumising! at pampublikong edisyon ng Ang Bantayan na dating may 32 pahina ay magiging 16 na pahina na lang.

Dahil kaunti na lang ang magiging mga artikulo, maisasalin ang mga ito sa mas maraming wika. Halimbawa, ang Disyembre 2012 isyu ng Gumising! ay inilathala sa 84 na wika, at ang Disyembre 2012 isyu ng Bantayan ay sa 195 wika. Pero simula sa Enero 2013, ang Gumising! ay ilalathala sa 98 wika, at ang Bantayan sa 204 na wika.

Ang edisyon para sa pag-aaral ng Ang Bantayan ay mananatiling 32 pahina.

Kaunti Na sa Imprenta—Mas Marami sa Internet

Dahil sa mga pagbabago sa ating nakaimprentang mga magasin, may dalawang pagbabago ring gagawin sa ating website na www.jw.org.

  1. Ang ilan sa mga artikulong dating lumalabas sa mga magasin ay lalabas na lang ngayon sa website na ito. Kasama rito ang “Para sa mga Kabataan,” “Mga Leksiyon Ko sa Bibliya,” at ang ulat tungkol sa graduation ng Gilead mula sa pampublikong edisyon ng Ang Bantayan, at ang “Repaso Para sa Pamilya” at “Tanong ng mga Kabataan” mula sa Gumising!

  2. Ang Bantayan at Gumising! ay makukuha na rin sa isa pang electronic format. Ilang taon nang may PDF ng Bantayan at Gumising! sa www.jw.org. Ngayon, may HTML format na kaya mas madali nang ma-access at mabasa ang mga ito sa desktop computer o mobile device. Mas madali na ring i-access ang iba pa naming mga literatura sa Internet, na nasa mga 400 wika.