Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Photo Gallery—Gustong-gusto ng mga Bata ang mga Video

Photo Gallery—Gustong-gusto ng mga Bata ang mga Video

Ang serye ng mga video na Maging Kaibigan ni Jehova, na nagtatampok ng mga kanta at ng mga karakter na sina Caleb at Sophia, ay sikát na sikát na! May mga magulang at mga anak na sumulat para sabihin ang pasasalamat nila sa iba’t ibang video sa serye. Ito ang ilan sa mga sulat mula sa mga bata:

  • “Salamat po sa DVD na ‘Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka.’ Araw-araw ko po itong pinapanood kasama ng stuffed toy kong jaguar.”—Zach, edad 5.

  • “Nalaman ko po sa bagong kanta na mahal ako ni Jehova at gusto niya na manalangin ako sa kaniya palagi.”—Mikariah, edad 6.

  • “Natutuhan kong sumunod sa mga magulang ko at magligpit ng kalat ko. Salamat po sa paggawa ng video na para sa aming mga bata.”—Nicole, edad 8.

  • “Maraming salamat po sa video. Na-enjoy ko po talaga. Ang saya po! Gustong-gusto ko po ito.”—Mckenzie, edad 5.

  • “Gustong-gusto ko po ang mga video na Maging Kaibigan ni Jehova. Araw-araw po akong nanonood. Ang bait talaga ni Jehova kasi ipinaisip niya ito sa inyo.”—Ava, edad 8.

  • “Gustong-gusto ko pong panoorin ang mga video. Kinakabisado ko po ang lahat ng kanta. Tinuturuan po ako nito na mahalin si Jehova.”—Devon, edad 4.

  • “Excited na ako sa susunod na video ni Caleb! Sana ituloy n’yo lang po ang magandang ginagawa n’yo.”—Vance, edad 8.

Australia—Shiloh, edad 6

Aral 12: Pumasyal Sina Caleb at Sophia sa Bethel

Australia—Sienna, edad 8

Awit 106: Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova

Brazil—Eduardo, edad 10

Aral 13: Tutulungan Ka ni Jehova na Maging Matapang

Germany—Michele, edad 11

Aral 10: Maging Mabait at Mapagbigay

Germany—Priscilla, edad 8

Aral 11: Magpatawad

Japan—Miku, edad 7

Aral 13: Tutulungan Ka ni Jehova na Maging Matapang

Japan—Tomoaki, edad 10

Aral 6: Pakisuyo at Salamat Po

Mexico—Samuel, edad 7

Aral 9: ‘Nilalang ni Jehova ang Lahat ng Bagay’

United States—Adriana, edad 6

Awit 92: “Ipangaral ang Salita”

United States—Anthony, edad 11

Aral 2: Sundin si Jehova

Higit Pang Impormasyon

Paano Matututo ang mga Anak na Ibigin ang Diyos?

Paano mo maaabot ang puso ng iyong anak gamit ang mensahe ng Bibliya?

Ikintal sa Iyong mga Anak ang mga Pamantayang Moral

Alam ba ng iyong mga anak kung ano ang totoo tungkol sa sex? Alamin ang mga pamantayan ng Diyos at ang sasabihin mo sa iyong mga anak.