Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 97

Kailangan ang Salita ng Diyos Para Mabuhay

Pumili ng Audio Recording
Kailangan ang Salita ng Diyos Para Mabuhay
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Mateo 4:4)

  1. 1. Salita ni Jehova ay

    kailangan sa buhay.

    Araw-araw na basahin

    at gawing patnubay;

    Dulot ay kapayapaan,

    kagalaka’y taglay.

    (KORO)

    Ang tao ay mabubuhay

    ’di lang sa tinapay.

    Salita ng Diyos ang gabay

    para sa ’ting buhay.

  2. 2. Mga lingkod noong una,

    dito’y iniulat,

    May pananampalataya,

    nanatiling tapat.

    Sa t’wing ating binabasa

    ay napatitibay.

    (KORO)

    Ang tao ay mabubuhay

    ’di lang sa tinapay.

    Salita ng Diyos ang gabay

    para sa ’ting buhay.

  3.  3. Pag-asa ay natatamo

    sa t’wing binabasa;

    Karunungan na kailangan

    ’pag mayro’ng problema.

    Mga natutuhan natin,

    kayamanang tunay.

    (KORO)

    Ang tao ay mabubuhay

    ’di lang sa tinapay.

    Salita ng Diyos ang gabay

    para sa ’ting buhay.

(Tingnan din ang Jos. 1:8; Roma 15:4.)