Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 87

Halikayo at Guminhawa!

Pumili ng Audio Recording
Halikayo at Guminhawa!
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Hebreo 10:24, 25)

  1. 1. Ang mundo ngayo’y magulo at liko,

    Daan ng Diyos ay ’di alam.

    Wastong patnubay para sa ’ting hakbang,

    Ito ang ating kailangan.

    Mga pulong natin ay naglalaan

    Ng pag-asa at ginhawa.

    Pananampalataya’y tumitibay;

    Lakas ating nadarama.

    Ito’y hindi natin pababayaan;

    Utos ng Diyos ay susundin.

    Mga pulong ay tutulong sa atin

    Na tama ang ating gawin.

  2. 2. Alam ni Jehova ating kailangan;

    Ang payo niya ay pakinggan.

    ’Pag naglaan ng panahon sa pulong,

    Ito’y isang karunungan.

    Sa mabuting turong napakikinggan,

    Tayo ay napasisigla.

    Dahil nandiyan ang ating kapatiran,

    Kailanma’y ’di mag-iisa.

    Habang hinihintay ating pag-asa,

    Sila ay ating samahan.

    Dahil dito sa pulong nalalaman

    Makadiyos na karunungan.