PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Isaias 50:4; 54:13)

  1. 1. Halina’t matuto tungkol kay Jehova.

    Tubig ng buhay ating tanggapin.

    Laan ng Diyos ang mabuting turo;

    Ang nagugutom ay bubusugin.

  2. 2. Huwag pabayaan ang ating pagpupulong;

    Dito’y matuturuan nang wasto.

    Ang kapatiran kasama natin.

    Espiritu ng Diyos ay narito.

  3. 3. Awit ng papuri ay nagpapatibay!

    Dilang sanay kay tamis pakinggan!

    Nawa’y palagi tayong magtipon,

    Kung sa’n naroon ang kaniyang bayan.

(Tingnan din ang Heb. 10:24, 25; Apoc. 22:17.)