Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 83

“Sa Bahay-bahay”

Pumili ng Audio Recording
“Sa Bahay-bahay”
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Gawa 20:20)

  1. 1. Sa bawat bahay at pinto,

    Mabuting balita,

    Laging ipinangangaral

    Ng matanda’t bata.

    Tungkol sa Kaharian na

    Inihula noon,

    Ito’y namamahala na,

    Ibalita ngayon.

  2. 2. Sa bawat bayan at lunsod

    Ating ipangaral,

    Kaligtasa’y sa tatawag

    Sa ngalan niyang banal.

    Ngunit paano tatawag

    Kung ’di Siya kilala?

    Sa bahay-bahay itanyag

    Ngalan ni Jehova.

  3. 3. Kaya’t sa bawat tahanan

    Ating ibalita.

    Kung tanggapin man o hindi,

    Ito’y pasiya nila.

    Mahalaga ay nahayag

    Ngalan ni Jehova.

    Hanapin sa bahay-bahay

    Kaniyang mga tupa.

(Tingnan din ang Gawa 2:21; Roma 10:14.)