Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 78

Itinuturo ang Salita ng Diyos

Pumili ng Audio Recording
Itinuturo ang Salita ng Diyos
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Gawa 18:11)

  1. 1. O ang mga nagtuturo

    ng Salita ng Diyos,

    Nakikinabang din sila,

    Pagpapala’y lubos.

    Si Jesu-Kristo’y nagturo

    Taglay ang pag-ibig.

    Tularan siya; iba’y tulungang

    sa Diyos mapalapít.

  2. 2. Bilang guro ng Salita,

    Tama ating gawin,

    At makikita ng lahat

    na tayo’y taimtim.

    Saliksikin ang Salita,

    Imbaka’y punuin;

    Tayo ay magbahagi at

    Sarili’y turuan din.

  3. 3. Inilaan ni Jehova

    Lahat ng kailangan.

    Dalangin para sa tulong,

    Kaniyang pakikinggan.

    Ang Salita ni Jehova,

    Kayamanan natin.

    Mahal nating tinuturuan

    Magiging guro din!